Magsisimula na ang Voter Registration para sa mga Sangguniang Kabataan (SK) na edad 15 years old, maging sa mga bagong botante edad 18 years old pataas, at para sa mga nais magpa-reactivate ng kanilang status sa COMELEC simula July 4, 2022 araw ng Lunes, ayon sa kay Mangaldan Election Officer Gloria Cadiente.
Sa kanyang talumpati sa ginanap na Post-Election Pledge of Support Signing, sinabi ni Cadiente na magsisimula na silang magrehistro para sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabatan Elections sa Disyembre ngayong taon.

Nauna nang ipinahayag ni COMELEC Commissioner George Garcia noong Mayo 2022 ukol sa planong ito ng COMELEC.
Nakatakda kasi ang eleksyon ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan sa December 5, 2022 matapos itong mapostpone noong May 2020 dahil sa batas na ipinasa noong December 2019.
Matatandaang ang huling eleksyon pa ng mga Barangay at SK ay noon pang May 14, 2018. Nakasaad din kasi sa batas na tuwing tatlong taon ang eleksyon ng mga opisyal ng barangay.
Sa ngayon ay mayroon nang nakabinbing batas sa House of Representatives na layong i-postpone muli ang halalan sa May 6, 2024. Ito ay inihain ni Davao Oriental 2nd District Representative Joel Mayo Almario noong October 28, 2021. Ibig sabihin, kung maipasa at maisabatas ang nasabing proposed bill ay uupo sa pwesto ang mga kasalukuyang opisyal ng mga barangay nang anim na taon mula 2018 hanggang 2024.
Suportado naman ni Vice President-elect Sara Duterte ang pagpopostpone sa Barangay at SK Elections ayon sa kaniyang naging pahayag sa radyo noong May 23, 2022.
Latest from the Mangaldan News
SK Official Eligibility ng Civil Service, pwede na applyan simula October 4, 2025
Pwede na mag-apply ng SK Official Eligibility sa Civil service simula October 4, 2025
Regular Session ng 18th Council Sangguniang Bayan ng Mangaldan, dinaluhan ni Konsi Aldrin Soriano
Kabaleyang Mangaldeño, dinaluhan po ng inyong lingkod Aldrin Soriano ang isa sa mga nalalabing Regular Session ng 18th Council Sangguniang Bayan ng Mangaldan, noong May 23 sa SB Session Hall. Tinalakay ang nalalabing mga Budget Proposal ng ilang mga barangay. Bahagi ito ng ating sinumpaang pangako na trabaho sa ating mga kabaleyan, na magtatrabaho at…
Miss San Fabian Andrea Cayabyab, kinoronahan bilang Miss Universe PH Pangasinan 2025
Congratulations, ka-distrito Andrea! Ang kauna-unahang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines- Pangasinan!




Leave a comment