Councilor Aldrin Soriano is a three-term elected local legislator in the municipality of Mangaldan, in the province of Pangasinan.

ISANG ASAWA’T AMA. Tatay ng dalawang malulusog at magagandang chikiting si Councilor Aldrin na sila Lyrin Alondra na 10 taong gulang at ni Leif Alodia na 8 taong gulang. Mister siya ni Lyle Edryl Dela Cruz-Soriano na dating Senior High School teacher sa Mangaldan National High School. 

ISANG ANAK, KAPATID. Si Councilor Aldrin Soriano ay ang bunsong anak ni Former Councilor Alfredo “Kap Fredi” Loresco-Muyano Soriano at ng negosyante na si Ma. Marilyn Prestouza-Ocay Soriano ng Barangay Guilig. Si Kap Fredi ay two-term councilor at two-term Punong Barangay ng Guilig bago siya maatake at pumanaw sa kampanya noong 2016. Bunso sa dalawang magkapatid si Councilor Aldrin, nakatatandang kapatid niya si Frelyn Soriano-Retig, isang negosyante. 

TV NEWS REPORTER. Bago maging konsehal ng bayan si Councilor ALDRIN SORIANO ay isang TV News Reporter muna siya sa ABS-CBN. Lumabas ang kanyang mga balita sa iba-ibang programa gaya ng TV Patrol, TV Patrol North Central Luzon, Umagang Kay Ganda, Bagong Umaga Bagong Balita, Bandila, ANC News, at ABS-CBN News Online. 

CUM LAUDE GRADUATE. Nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Broadcast Communication sa University of the Philippines (UP) Diliman si Councilor Aldrin. Siya rin ay isang honor student sa Mangaldan Central School kung saan siya nagtapos noong 2004. Nagtapos si Councilor Aldrin sa Mangaldan National High School Special Science Class noong 2008 kung saan siya ay nakatanggap ng President Gloria Macapagal Arroyo Student Leadership Award, Vice President Noli De Castro Leadership Award, at Student Leader of the Year bilang President ng Supreme Student Government sa MNHS. 

YOUNG SCIENTIST. Bilang mag-aaral ng Special Science Class noong high school, naging hilig ni Councilor Aldrin ang pananaliksik sa Agham kung saan ang ilang mga Investigatory Project na ipinambato ng paaralan ay umabot sa regional level ng Intel Philippines Science Fair maging sa Association of Science Educators of the Philippines (ASEP) national level at nanalo roon. Kaya naman mula ikalawang taon sa high school ay taunan na siyang pinaparangalan bilang Researcher of the Year at noong 2006 at 2007 ay naparangalan bilang Scientist of the Year.  

STUDENT JOURNALIST. Elementary pa lang si Councilor Aldrin ay nahilig na siya sa pagsusulat at sa pagkuha ng mga larawan kaya naman siya ay napabilang sa editorial staff ng The Wind Chime ng Mangaldan Central School. Nanalo rin siya sa Division Schools Press Conference at nakaabot sa Regional Schools Press Conference mula elementary hanggang high school sa larangan ng Photojournalism. Naging bahagi rin ng editorial board ng The Clarion at Ang Tambuli ng MNHS si Councilor Aldrin. Four-year champion sa division at nanalong 4th placer sa national level si Councilor Aldrin sa Desktop Publishing and Layouting sa Student Technologists and Entrepreneurs of the Philippines. 

SUPORTADO ANG GOOD GOVERNANCE. Suportado ni Councilor Aldrin ang pagsulong ng Good Governance o tamang pamamahala sa Local Government Unit ng Mangaldan. Para mapagtibay pa ito, si Councilor Aldrin Soriano ay kabilang sa unang batch ng Young Leaders for Good Governance ng International Republican Institute at ng Jesse Robredo Foundation. Pinanday din ng pagdalo ni Councilor Aldrin ng isang linggong seminar sa University of the Philippines National College of Public Administration and Governance (UP NCPAG) ang kanyang kaalaman sa pamumuno at paglilingkod sa bayan.