Masaya po ang inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano na salubungin sa Munisipyo ng Mangaldan ang ating dati at muling ibabalik na Senador. 

Nag-courtesy call kasi si Sen Kiko kay Mangaldan Mayor Bona Fe De Vera-Parayno at sa mga lingkod bayan. Tinalakay nila ang Sagip Saka Law na akda ni Sen Kiko na malaking tulong sa mga magsasaka at sa sektor ng agrikultura. 

Kasama namin si Councilor Joseph Cera at mga Department Head at iba pang empleyado ng ating munisipyo. 

Bago ang pagbisita ni Sen Kiko sa Mangaldan, nakipag-pulong muna siya sa ilang lider ng Pangasinan kabilang na po ang inyong lingkod. 

Maraming salamat sa pagbisita, Sen. Kiko! 

Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading