𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍: 𝐒𝐊 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐄𝐋𝐈𝐆𝐈𝐁𝐈𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐒𝐀 𝐂𝐈𝐕𝐈𝐋 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄, 𝐏𝐖𝐄𝐃𝐄 𝐍𝐀 𝐌𝐀𝐆-𝐀𝐏𝐏𝐋𝐘 𝐒𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Kung ikaw ay nagsilbi na bilang opisyal ng SK (nahalal o naitalaga) at natapos ang buong 3-taong termino, ikaw ay karapat-dapat nang magkaroon ng Civil Service Eligibility alinsunod sa CSC Resolution Blg. 2500752!

𝑺𝒊𝒏𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒌𝒐𝒑: Lahat ng halal at itinalagang SK officials na nakatapos ng buong 3-taong termino (2018–2022 at kasunod), kabilang ang SK members, secretaries, at treasurers.
𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒔𝒂𝒌𝒐𝒑: SK chairpersons (sila ay sakop ng Barangay Official Eligibility).
𝑩𝒂𝒔𝒆𝒉𝒂𝒏: CSC Resolution No. 2500752 (24 Hulyo 2025) at RA 11768 (SK Reform Act of 2015).
𝑩𝒆𝒏𝒆𝒑𝒊𝒔𝒚𝒐: SK Official Eligibility (SKOE) – maaaring gamitin sa first level government positions.
𝑴𝒈𝒂 𝒌𝒐𝒏𝒅𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏: Hindi dapat kamag-anak (hanggang 2nd civil degree) ng kasalukuyang halal na opisyal sa lokalidad.
𝑺𝒊𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒏𝒈 𝒂𝒑𝒑𝒍𝒊𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏: 4 Oktubre 2025, sa CSC Regional o Field Offices (Lingayen o Urdaneta City)
𝑷𝒂𝒂𝒍𝒂𝒍𝒂: Maaaring bawiin ng CSC ang SKOE kung ibinigay sa hindi kwalipikadong aplikante.
Sa pamamagitan ng Sangguniang Kabataan Official Eligibility (SKOE), kinikilala ng CSC ang mahalagang papel ng kabataan sa nation-building at binubuksan ang mga oportunidad para sa kanila na makapagsimula ng career sa pamahalaan.
𝐏𝐋𝐄𝐀𝐒𝐄 𝐒𝐇𝐀𝐑𝐄:



Leave a comment