Sa bisa ng Executive Order 2024-034 ay sinuspende na ang mga klase sa lahat ng antas sa paaralan sa pampubliko at pampribadong paaralan sa Mangaldan maging ang mga trabaho sa lokal na pamahalaan ni Mayor Bona Fe De Vera Parayno.

Ito ay pagtalima sa naunang inilabas na Executive Order No. 070 series of 2024 ni Pangasinan Governor Ramon Guico, III kanina.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na ang Bagyong Carina ay isa nang Supertyphoon habang papunta na ito sa Taiwan.

Ang Bagyong Carina ay namataan 380 kilometro sa hilaga ng Itbayat, Batanes noong ika-4 ng hapon. Ito ay may pinakamataas na lakas ng hangin na umaabot sa 185 kilometro kada oras at hangin na may bugso na umaabot hanggang 230 kilometro kada oras, ayon sa PAGASA.


Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading