Naaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang Resolution ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan ukol sa dagdag na pondo para Calamity o Disaster Fund ng Mangaldan, Pangasinan na nagkakahalaga sa Five million two hundred fourteen thousand five hundred eighty pesos and forty five centavos (P5,214,580.45). 

Nagmula ang pondo mula sa mga hindi nagastos o savings na Disaster Fund noong 2023 at bago mag-2023. Nakapaloob ito sa Revised Annual Investment Plan at Supplemental Fund na ipinasa ng Sangguniang Bayan noong April 26, 2024. Inaprubahan ito sa Committee Hearing na ginanap noong July 15, 2024 sa Pangasinan Provincial Capitol sa Lingayen. 

Bilang Chairperson ng Committee on Appropriations at Ways and Means sa Sangguniang Bayan, tinitiyak po ng inyong lingkod na ang bawat pondo na kinakailangan para sa seguridad ng bawat Mangaldeño at maging sa sektor ng agrikultura ay nauuna.

Suportado natin ang mga polisiyang ito ni Mangaldan Mayor Bona Fe De Vera-Parayno kasama ang buong Sangguniang Bayan ng Mangaldan. 


Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading