Tinalakay po ng inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano ang ilang mga suhestyon para sa Annual Budget proposals ng mga Barangay sa ginanap na Liga ng mga Barangay meeting noong Lunes, June 10, 2024.
Nagpapasalamat naman po ako sa Liga ng mga Barangay sa Mangaldan sa pamumuno ni Liga President Councilor Florida Abalos sa kanilang imbitasyon sa akin para makapagsalita at matalakay ang mga budget ng barangay.

















Bilang Chairperson ng Committee on Appropriations and Ways and Means sa Sangguniang Bayan ng Mangaldan, tinalakay natin ang ilang mga suhestiyon para mas mapabilis ang pagtalakay sa kanilang budget sa Committee Hearing ng kani-kanilang Annual Budget at Annual Investment Plans.
Dumalo rin sa nasabing meeting sila Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Marilyn Laguipo, Councilor Lian Maramba, at ang hepe ng Mangaldan PNP na si PLtCol. Roldan Cabatan.
Ang Liga ng mga Barangay ay ang samahan ng 30 punong barangay o kapitan sa ating bayan ng Mangaldan.




Leave a comment