Naipasa na ang Seven Million Six Hundred Eighty One Thousand Fifty Nine Pesos (P 7,681,059.00) na annual budget ng Barangay Salay sa 2024 sa Regular Session na ginanap noong Biyernes May 31, 2024.

Nakapaloob dito ang mga sumusunod:  20% ng National Tax Allotment ay nakalaan para sa development projects; 5% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Calamity Fund; 10% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Sangguniang Kabataan; 5% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Gender and Development Program; 1% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Senior Citizen at PWD Program; 1% ng National Tax Allotment ay nakalaan para sa Protection of Children, at 3% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Maintenance and other Operating Expenditure. 

Ayon kay Punong Barangay Celedonia Lim, ilan sa mga proyekto at programang kanilang ipapatupad ngayong taon base sa kanilang Development Fund ay ang pagpapakabit ng LED streetlights sa Estayo Street na nagkakahalaga ng Php 250,000, pagpapasemento sa Casimero Abrogar Road na nagkakahalaga ng Php 1,004,211.80, at paglilinis ng mga canal na nagkakahalaga ng Php 200,000.

Nagkakahalaga naman naman ang pondo ng SK Salay ng Php 768,105.90 o 10 percent ng buong pondo ng barangay. Laman nito ang pasahod sa mga SK Council, at mga proyekto, programa, at aktibidad para sa mga kabataan. 

Nakapagpasa na ng panibagong Annual Barangay Youth Investment Program (ABYIP) kung saan inalis na nila ang Php 10,000 na pondo para sa pagdidistribute ng condom at pills kung saan seminar na lang ang kanilang gagawin ukol dito. Pinalitan na rin ang period of implementation ng Sports Program Php 100,000 mula isang buwan, ginawa na nila itong January- December.

𝘽𝘼𝙎𝘼𝙃𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 2024 𝘼𝙉𝙉𝙐𝘼𝙇 𝘽𝙐𝘿𝙂𝙀𝙏 𝘼𝙏 𝘼𝙉𝙉𝙐𝘼𝙇 𝙄𝙉𝙑𝙀𝙎𝙏𝙈𝙀𝙉𝙏 𝙋𝙇𝘼𝙉 𝘽𝙍𝙂𝙔. 𝙎𝘼𝙇𝘼𝙔 𝙎𝘼 𝙇𝙄𝙉𝙆 𝙉𝘼 𝙄𝙏𝙊: https://aldrinsoriano.com/salay-2024-annual-budget-annual-investment-program/ 

𝘽𝘼𝙎𝘼𝙃𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 2024 𝘼𝙉𝙉𝙐𝘼𝙇 𝘽𝙐𝘿𝙂𝙀𝙏 𝘼𝙏 𝘼𝙉𝙉𝙐𝘼𝙇 𝘽𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝘼𝙔 𝙔𝙊𝙐𝙏𝙃 𝙄𝙉𝙑𝙀𝙎𝙏𝙈𝙀𝙉𝙏 𝙋𝙍𝙊𝙂𝙍𝘼𝙈 𝙉𝙂 𝙎𝙆 𝙎𝘼𝙇𝘼𝙔 𝙎𝘼 𝙇𝙄𝙉𝙆 𝙉𝘼 𝙄𝙏𝙊: https://aldrinsoriano.com/salay-2024-sk-annual-budget-annual-barangay-youth-investment-program/ 

Humarap din ang ilang miyembro ng konseho ng Barangay at SK Council ng Salay.

𝙋𝘼𝙉𝙊𝙊𝙍𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙉𝘼𝙂𝘼𝙉𝘼𝙋 𝙉𝘼 𝘾𝙊𝙈𝙈𝙄𝙏𝙏𝙀𝙀 𝙃𝙀𝘼𝙍𝙄𝙉𝙂 𝙎𝘼 𝙇𝙄𝙉𝙆 𝙉𝘼 𝙄𝙏𝙊: https://youtu.be/qFujAWO643E?si=vD2evR0rbAOffcnL 

Sumailalim ang nasabing proposed Annual Budget at Annual Investment Program ng barangay sa pag-aaral at pagsusuri ng Local Finance Committee ng ating Munisipyo at ng Committee on Appropriations and Ways and Means ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan. 

Naaprubahan ang budget sa barangay noong January 16, 2024, inendorso sa Local Finance Committee Sa Sangguniang Bayan noong May 20, 2024, natanggap ang budget sa SB noong May 20, 2024, sumailalim sa First Reading noong May 24, 2024, ginanap ang Committee Hearing noong May 29, 2024 at naaprubahan sa Second at Final Reading noong May 31, 2024. 

Nakasaad sa Local Government Code na isa sa mga responsibilidad ng Sangguniang Bayan ang pagsusuri at pag-aapruba ng budget at iba pang appropriations ng mga barangay na sakop ng bayan, maging ang budget at iba pang appropriations ng munisipyo.


Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading