Bilang Chairperson ng Committee on Education sa Sangguniang Bayan ng Mangaldan ay nagbahagi po tayo ng short lecture ukol sa Local Legislation sa mga Work Immersion students ng Mangaldan National High School.

Kabilang sa mga work immersion students ay mula sa Information and Communications Technology strand at Humanities and Social Sciences strand. Kaya naman para sa mga ICT students, tinuruan natin sila ng website auditing at kasama natin sila sa ating Transparency Project Initiative.

Ibinahagi rin natin sa mga HUMSS ang iba’t ibang legislative measure na isinasabatas o pinapanday ng mga konsehal sa ating Sanggunian.

Batid natin ang kahalagahan ng work immersion para sa mga estudyante dahil namumulat sila sa tunay na trabaho nang sa ganun ay mas maunawaan nila ang kanilang nais kuhaning kurso pagdating sa kolehiyo o sa trabaho na nais nilang pasukin pagkatapos nilang grumadweyt.

Kaya naman narito lang ako para sa ating mga minamahal na estudyante para magturo at maglingkod dahil 𝙒𝘼𝙇𝘼𝙉𝙂 𝙄𝙈𝙋𝙊𝙎𝙄𝘽𝙇𝙀!

At your ser𝙑𝙄𝘾𝙀 po, 𝘼𝙡𝙙𝙧𝙞𝙣 𝙎𝙤𝙧𝙞𝙖𝙣𝙤.


Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading