



Bilang Chairperson ng Committee on Appropriations and Ways and Means sa Sangguniang Bayan ng Mangaldan, nagpaunlak po tayo ng konsultasyon sa ilang opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan Chairperson sa ating bayan para sa kanilang Barangay at SK Budget.
Isang paraan para mas mapabilis ang pag-unawa sa budget ng barangay ang inyo pong lingkod ay dinalaw ni Barangay Tebag Kapitan Danny Biasura at nila SK Chairperson ng Osiem Marinel Espiritu at Salaan SK Chairperson neil Patrick Macasieb para naman sa kanilang Annual Barangay Youth Investment Program (ABYIP).
Sasalang pa ito sa Committee Hearing pero ang ikinaganda ng one-on-one consultation ay ang pagbibigay ng ilang komento at suhestiyon para mas maayos ang pagpi-presenta ng kanilang budget sa komite.
Ang inyo pong lingkod Councilor Aldrin Soriano ay kasalukuyang Master of Public Administration student sa University of the Philippines National College of Public Administration (UP NCPAG) kung saan Fiscal Administration ang isa sa aking mga mga focus study area maliban sa Local and Regional Administration.
Para sa financial transparency at accountability, 𝙒𝘼𝙇𝘼𝙉𝙂 𝙄𝙈𝙋𝙊𝙎𝙄𝘽𝙇𝙀! At your ser𝙑𝙄𝘾𝙀 po, 𝘼𝙡𝙙𝙧𝙞𝙣 𝙎𝙤𝙧𝙞𝙖𝙣𝙤.



Leave a comment