






Nakapasa na sa Committee Hearing Sangguniang Panlalawigan ang 2024 Annual Budget at ang Annual Investment Program ng Bayan ng Mangaldan na nagkakahalaga ng 437,662,748.00 pesos. Ito ay matapos dinggin ang nasabing mga ordinansa sa Kapitolyo kahapon.
Tumaas ng 1.65% ang budget ng munisipyo ngayong taom kumpara sa 430,538,735.00 noong 2023. Isa sa mga dahilan ay ang pagtaas din ng 6.3% National Tax Allotment na natanggap ng munisipyo ngayong taon na nagkakahalaga sa 19.124M pesos. Tumaas din ang inaasahang makokolekta sa mga buwis ng bayan ngayong taon- bagay na nakatulong para tumaas din ang budget ng munisipyo.
Laman ng nasabing 2024 budget ng Munisipyo ng Mangaldan ang mga sumusunod:
Personal Services: 150,088,307.00
Maintenance and Other Operating Expenses: 168,659,384.55
Capital Outlay: 11,000,000.00
Special Purpose Allocation:
20% Development Fund: 64,451,000.00
5% LDRRM Fund: 19,971,000.00
Aid to Component Barangays: 60,000.00
Extraordinary and Miscellaneous Expense: 183,056.45
Itinaas din ang budget para sa mga gamot sa munisipyo mula 10 Million pesos noong 2023, itinaas ito ng 6 Million kaya ang kabuuan ay 16 Million pesos na budget para sa mga gamot.
Gumawa rin ng 25 plantilla positions ang munisipyo ngayong 2024 kabilang na ang Administrative Assistant IV (SG 10), Assistant Information Officer (SG
, Administrative Assistant II (Labor General Foreman, SG
, Information Systems Analyst II (SG 16), Administrative Assistant IV (SG 10), Process Server (SG 5), Accountant III (SG 19), Senior Administrative Assistant (SG 15), Agriculturist II (SG 15), Farm Worker II (SG 4), Dentist III (SG 20), Sanitation Inspector (SG 18), Population Program Worker (SG 9), Administrative Assistant IV (SG 10) at Administrative Aide (SG 3)
Bilang Chairperson ng Committee on Appropriations and Ways and Means ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan ang inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano po ang nag-move ng motion sa nasabing pagdinig para maipasa na ang nasabing budget.
Pinangunahan ni Mayor Bona Fe De Vera-Parayno ang LGU Mangaldan kung saan kasama ang majority ng mga konsehal, at mga Department Heads na dumalo sa nasabing pagdinig.
Nakasaad kasi sa Local Government Code na isa sa mga responsibilidad ng Sangguniang Panlalawigan ay ang pagsusuri at pag-aapruba ng budget at iba pang appropriations ng mga munisipyo at lungsod na sakop ng probinsya.





Leave a comment