
















Kabaleyang Mangaldeño, bilang inihalal na Regional Treasurer ng Philippine Councilors League (PCL) Region I ang inyo pong lingkod Councilor Aldrin Soriano ay dumalo sa pagpupulong ng ating mga kapwa opisyal sa PCL Region I at Region X na ginanap noong Huwebes February 15, 2024 sa Limketkai Luxe Hotel, Cagayan de Oro City.
Pinangunahan ni PCL Regional Council Chairperson Carol Dizon-Sison ng Alaminos City ang mga opisyal ng Region I habang si Regional Council Chairperson George Goking ng Cagayan de Oro City naman ang nanguna sa mga opisyal ng Region X.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang iba’t ibang benepisyo ng bawat liga sa Sisterhood League na ito kagaya ng mutual cooperation sa mga proyekto at aktibidad, benchmarking sa mga best practices ng iba’t ibang Sanggunian sa nasabing mga rehiyon.
Ilan sa mga opisyal na dumalo ay ang mga sumusunod:
Regional Council Chairperson: Carol Dizon-Sison, Alaminos City
Regional Treasurer: Aldrin Soriano, Mangaldan, Pangasinan
Regional BOD: Lerissa Llanes, Candon City
Regional Deputy SecGen: Jane Gonzales
Regional Council Chairperson: George Goking – Public Servant , PCL Cagayan de Oro City
Michele Anayron, PCL Misamis Oriental
Lyndon Abucay, PCL Lanao del Norte
Jose Rufino Ladao, PCL Camiguin
Jojo Evangelista, PCL Bukidnon
Samuel Huertas, PCL Iligan City
Ginanap ang nasabing meeting kasabay ng First Regional Assembly ng PCL Region I at ng Regular Meeting naman ng PCL Region X.





Leave a comment