Kabaleyang Mangaldeño, naging mainit ang pagtanggap po sa mga opisyal ng Philippine Councilors League (PCL) Region X sa pamumuno ni Regional Chairperson George Goking sa ilang opisyal ng PCL Region I sa pamumuno naman ni Regional Chairperson Carol Dizon-Sison sa aming pagdating dito sa Cagayan de Oro noong Valentine’s Day February 14, 2024.

Dito kasi ginanap ang Regional Assembly ng PCL at ang Awarding Ceremonies ng Local Legislative Award at PANDAY Mambabatas.

Narito po ang inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano dahil tayo po ang Regional Treasurer ng PCL Region I. Ang PCL ay samahan ng lahat ng konsehal sa buong Pilipinas.

Tayo ang unang konsehal mula sa Bayan ng Mangaldan na naging Regional Treasurer ng Philippine Councilors League (PCL).


Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading