Patay ang 27 anyos na lalaki na residente ng Barangay Poblacion, Mangaldan matapos isyang sumalpok sa isang mixer truck sa National Highway sa Barangay Banaoang mag-aalas dos ng madaling araw kanina February 13, 2024.

Ayon sa imbestigasyon ng Mangaldan PNP, parehong papuntang norte ang dalawang sasakyan at nang magpapa-kaliwa na umano ang mixer truck at sumalpok ang biktima rito. Mabilis umano ang pagmamaneho ng biktima sakay ang single na motorsiklo. Nagtamo naman ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima at agad tinakbo sa ospital sa Dagupan City pero idineklara ring dead-on-arrival ng doktor.

Sa ngayon ay nasa kustodiya pa ng Mangaldan PNP ang 37-anyos na driver ng mixer truck na residente ng Manaoag, Pangasinan. Inaalam pa ng otoridad kung may naging kapabayaan ang driver ng truck sa aksidente.

Ayon sa Acting Chief of Police ng Mangaldan PNP na si PLtCol. Roldan Cabatan, ito ang unang kaso ng pagkamatay na naitala sa vehicular traffic incident sa Mangaldan ngayong taon.

Patuloy naman po nating pinapaalalahanan ang ating mga kabaleyan na mag-ingat sa pagmamaneho ng motorsiklo lalo na kung mayroong kasabay na malalaking sasakyan.

𝐏𝐋𝐄𝐀𝐒𝐄 𝐒𝐇𝐀𝐑𝐄.

Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading