Sa unang pagkakataon, kinilala at pinarangalan ang ilang miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender bilang Best Dressed individuals sa ginanap na Juniors’ Night ng Mangaldan National High School kagabi February 12, 2024.

Isa sa mga pinarangalan ay ang 16-anyos na si Aldem Estor ng Barangay Malabago. Kwento ni Aldem, siya mismo ang nag-desenyo ng kanyang kasuotan kung saan nagtagal sya ng 2 buwan mabuo ito. Pangarap ni Aldem na maging isang fashion designer balang araw.

Todo suporta naman ang kanyang ina na si Meldy Estor sa anak. Sabi niya, matagal na raw nilang sinusuportahan ang anak sa kanyang pagkatao at sa kanyang talento.

Sa MNHS, ito ang unang beses na gagawaran ng Best Dressed ang mga myembro ng LGBT. Pinarangalan din si Rachel Aspuriss.

Matatandaan na noong 2019 pa noong isinulat ng inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano ang isang Resolusyon sa Sangguniang Bayan na humikayat sa lahat ng School administrators na irespeto ang kasuotan ng kanilang mga estudyante ayon sa kanilang Gender Identity sa School Promenade, Graduation Ball, at iba pang okasyon ng paaralan. Pagpapakita ito ng sinserong pagsuporta natin sa LGBTQI+ Members sa ating bayan ng Mangaldan.

Dahil para sa sariling pagkakakilanlan sa kasarian, 𝙒𝘼𝙇𝘼𝙉𝙂 𝙄𝙈𝙋𝙊𝙎𝙄𝘽𝙇𝙀!


Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading