Kabaleyang Mangaldeño, pinaunlakan po ng inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano ang imbitasyon ng Malabago Elementary School sa pamumuno ng kanilang principal na si Dr. Merle De Vera para sa ginanap na Coronation Ceremonies ng Mr. and Ms. Malabago Elementary School kagabi.

Kasama ko rin na dumalo sa okasyon ang aking asawa na si Lyle Dela Cruz-Soriano.

Binabati ko ang mga magulang ng ating mga estudyanteng kinoronahan at pinarangalan kagabi! Alam ko po ang inyong sakripisyo para sa inyong mga anak at tulong para sa paaralan.

Nakasama natin ang ilang mga Barangay Officials ng Malabago kabilang sila Kagawad Quirino L. Raguindin III, Kagawad Rowena Y. Fernandez, Kagawad Salvador A. Tandingan, Kagawad Alfredo L. Martinez, at si SK Chairperson Kian Abrio, mga opisyal ng Parents Teachers Association sa pamumuno ni SPTA President Jenesie De Vera, at mga guro ng Malabago Elementary School sa pamamagitan ng kanilang MES Teachers’ Club President na si Ma’am Vanessa Carani.

Naroon din ang School District Supervisor ng Mangaldan District II na si Dr. Minerva D. Serafica.

Nagpapasalamat po ako sa Malabago ES Family sa kanilang hindi paglimot na maimbitahan ako sa kanilang mga programa sa paaralan.

Dahil kapag sama-sama ang komunidad at paaralan, 𝙒𝘼𝙇𝘼𝙉𝙂 𝙄𝙈𝙋𝙊𝙎𝙄𝘽𝙇𝙀!

Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading