Kabaleyang Mangaldeño, na-interview po ang inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano ng ilang mga estudyante ng Special Program in Journalism ng Mangaldan National High School sa Sangguniang Bayan ng Mangaldan kahapon February 8, 2024.

Kinapanayam nila ako ukol sa Pindang Festival 2024 bilang Chairperson on Public Information, Mass, and Social Media ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan. Bahagi ng grupo na kumapanayam sa akin ay sila Althea Niña P. Viado, Antonia Alexa T. Adviento, Raul A. Sarmiento, at Ruselle B. Garcia.

Ang nasabing interview ay para sa kanilang Journalism subject at para rin sa school publication ng MNHS na The Clarion kung saan ako naging bahagi rin noon bilang isang Student Journalist ng nasabing paaralan.

Maliban sa interview ay ipinasyal ko na rin sila sa ating opisina sa Sangguniang Bayan dahil pawang first-time nila roon. Ibinahagi ko rin sa kanila ang ilan sa mga naging trabaho natin sa Sanggunian.

Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading