






















Kabaleyang Mangaldeño, pinaunlakan po ng inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano ang imbitasyon ng Bari Elementary School sa pamumuno ng kanilang principal na si Dr. Elena Baladad para sa ginanap na Coronation Ceremonies ng Mr. and Ms. Bari Elementary School kagabi.
Binabati ko ang mga magulang ng ating mga estudyanteng kinoronahan at pinarangalan kagabi! Alam ko po ang inyong sakripisyo para sa inyong mga anak at tulong para sa paaralan.
Limang taon na o noong 2019 pa ng huling nagkaroon ng Coronation Ceremonies ang nasabing paaralan. Malaking tulong kasi ang malilikom nilang pondo para magamit sa pagpapaayos ng paaralan at mga classroom dito.
Nakasama natin ang ilang mga Barangay Officials ng Bari, mga opisyal ng Parents Teachers Association, at mga guro ng Bari Elementary School.
Nagpapasalamat po ako sa Bari ES Family sa kanilang hindi paglimot na maimbitahan ako sa kanilang mga programa sa paaralan.
Dahil kapag sama-sama ang komunidad at paaralan, 𝙒𝘼𝙇𝘼𝙉𝙂 𝙄𝙈𝙋𝙊𝙎𝙄𝘽𝙇𝙀!




Leave a comment