


Kabaleyang Mangaldeño, nakasama po ng inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano ang SK Chairperson ng ating Barangay Guilig na si Chair Ara Mae Ocay Monserate at si SK Secretary Irish Martinez sa ating opisina noong Lunes February 5, 2024.
Pinag-usapan namin ang papalapit na pagbubukas ng Basketball League sa ating Barangay kung saan makikilahok ang iba’t ibang zone.
Nagpapasalamat po ako sa imbitasyon sa atin ni SK Chair Ara na akin pang kamag-anak sa kanyang pagbubukas ng liga. Nawa’y maging matagumpay ang proyektong ito sa ating mga kabataan at mga ka-barangay.
Dahil kung may determinasyon, sipag, at tiyaga, 𝙒𝘼𝙇𝘼𝙉𝙂 𝙄𝙈𝙋𝙊𝙎𝙄𝘽𝙇𝙀!



Leave a comment