Sumailalim sa Committee Hearing ang ipinasang Ordinansa ng Barangay Landas na nagtatayo ng kanilang Clean and Green Program kung saan mandato sa lahat ng residente roon ang paglilinis ng kanilang kapaligiran at ang pagkakaroon ng Family Backyard Gardening sa bawat bahay sa barangay.

Bilang Chairperson ng Committee on Appropriation and Ways and Means, itinanong ng inyong lingkod Councilor 𝗔𝗹𝗱𝗿𝗶𝗻 𝗦𝗼𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 kung saan ang pagkukuhanan ng pondo para sa nasabing ordinansa kagaya ng gagamitin na papremyo sa Cleanest and Greenest Family Contest na nakasaad sa ordinansa. Kaya iminungkahi po natin sa Barangay Council ng Landas na isama na rito ang mga kinakailangang halaga para sa kanilang programa.

Itinanong ko rin kung paano ang mga bahay na walang bakanteng lote kung saan sila magtatanim para sa nasabing Backyard Garden. Sinabi ni Kapitan Bondoy na pwede pa namang magtanim gamit ang mga paso.

Nalaman din natin na hindi sumailalim sa Public Hearing ang ordinansa na ipinasa ng barangay. Mahalaga kasi ang pagdinig kasama ang kanilang mga ka-barangay para makuha rin ang kanilang mga opinyon at suggestion sa nasabing ordinansang ipinapasa ng konseho ng barangay.

Ginanap ang nasabing pagdinig bago ang Regular Session ng Sangguniang Bayan noong Biyernes February 2, 2024. Dinaluhan ito ni Kapitan Bernardo Salayog, Jr., Kagawad Orlando Godoy na may-akda ng ordinansa, Kagawad Rexlud John Peter Aquino, at Kagawad Mario Carbonel.

Ibinalik ng Sangguniang Bayan ang nasabing ordinansa para makasama na rito ang aming mga komento at suggestion sa Barangay Council.

Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading