Kabaleyang Mangaldeño, binisita po ng inyong lingkod Acting Vice Mayor Aldrin Soriano ang Sangguniang Kabataan Teen Center ng City of San Fernando, La Union at ng SK Teen Center ng Barangay Ilocos Sur.

Ang Teen Center ay isang one-stop-shop facility kung saan ang mga adolescents at mga kabataan ay madaling maka-access ng iba’t ibang impormasyon at mga serbisyo para matiyak ang kanilang kalusugan at well-being. .

Ito ay sa bisa ng Ordinance No. 2020-20 o ang Ordinance Institutionalizing the Establishment and operation of the San Fernando Teen Center and Fifty-Nine (59) Barangay-based SK Teen Centers in the City of San Fernando, Providing its Policy Guidelines and Funds Therefor and Other Purposes, na akda ni Former San Fernando City SK Federation President at ngayon ay konsehal na si Councilor Mark Anthony “Macky” Ducusin.

Merong apat na aspeto ang laman ng isang Teen Center: Una, ang Chat Hub; Pangalawa, E-library and Workstation; Pangatlo, Audio-Visual Information Space; at Pang-apat ay ang Youth Desk.

𝑪𝑯𝑨𝑻 𝑯𝑼𝑩

Layon nito na magkaroon ng espasyo para sa dayalogo o pag-uusap ng mga kabataan. Pwede rin ang mga indoor games rito, at ang Spiritual Development.

𝑬-𝑳𝑰𝑩𝑹𝑨𝑹𝒀 𝑨𝑵𝑫 𝑾𝑶𝑹𝑲𝑺𝑻𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵

Layon nito makapagbigay ng libreng internet access at Wi-Fi Zone sa mga kabataan. Laman nito ang iba’t ibang traditional learning materials din para reference ng mga estudyante. Study space rin ito ng mga kabataan. May libreng printing services din dito para sa mga estudyante.

𝑨𝑼𝑫𝑰𝑶-𝑽𝑰𝑺𝑼𝑨𝑳 𝑰𝑵𝑭𝑶𝑹𝑴𝑨𝑻𝑰𝑶𝑵 𝑺𝑷𝑨𝑪𝑬

Layon nito na makapagbigay ng komprehensibong Sexuality Education sa mga kabataan. Maging ang Family Planning at information service ukol sa paggamit ng condom. Ginagamit din ang nasabing pasilidad para sa Leadership Skills Development ng mga kabataan.

𝒀𝑶𝑼𝑻𝑯 𝑫𝑬𝑺𝑲

Layon ng pasilidad din na makapagbigay ng libreng Community-based HIV Screening program. Meron ding mga Educational Services, Employment and Livelihood Assistance and Services rito. Pasok din dito ang Personality Enhancement at Positive Lifestyle Education. Laman din nito ang programa para matulungan ang mga physical at sexual abuse referral system.

Nagpapasalamat ako kay Konsi Macky at kay Ydlaz Garcia ng Youth Development Office City of San Fernando LGU sa paggabay sa akin at sa aming Philippine Councilors League Regional Chairperson na si Konsi Carol Dizon-Sison sa aming pagbisita roon.

Nawa’y makapagbigay ng inspirasyon post na ito at ang proyekto ng SK Federation ng City of San Fernando, La Union sa iba pang mga SK Officials. Dahil sa totoo lang, kaya natin itong gawin kung may pagsisikap at pagtitiyaga dahil 𝙒𝘼𝙇𝘼𝙉𝙂 𝙄𝙈𝙋𝙊𝙎𝙄𝘽𝙇𝙀!

Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading