


Kabaleyang Mangaldeño, bilang Chairperson ng Committee on Culture, Arts, and Heritage sa Sangguniang Bayan kinunsulta po ng inyong lingkod Acting Vice Mayor Aldrin Soriano ang ilang visual artists at makatang Mangaldeño ngayong linggo.
Dinaluhan ito nila Santiago Villafania isang makata, manunulat at artist; sila Rei Chan at Gino Tiongco mga painters at visual artists. Inimbitahan ko rin ang ating Librarian na si Jean Vergara at Library Staff na si Rowena Reside. Kasama rin ang ating Work Immersion Students na sila Darren Faustino at Kurt Branden John Reyes.
Pinag-usapan namin ang Arts and Culture Council Ordinance at kung ano ang mga pwedeng payabungin at hasain na Arts sa ating bayan at kung paano makakatulong din ang ating Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ng ating alkalde na si Mayor Bona Fe De Vera-Parayno.
Kaya naman nagpapasalamat ako sa ating mga artista ng bayan sa pagdalo sa aking imbitasyon.
Naniniwala ako na mayaman ang ating bayan ng mga talento at artists sa iba’t ibang uri at aspeto ng arts. Kaya nating lumikha ng isang progresibo at arts-centered community dahil 𝙒𝘼𝙇𝘼𝙉𝙂 𝙄𝙈𝙋𝙊𝙎𝙄𝘽𝙇𝙀!



Leave a comment