Kabaleyang Mangaldeño, bilang Secretary General ng Philippine Councilors League Pangasinan Chapter ang inyo pong lingkod Councilor Aldrin Soriano ay dumalo para maging saksi sa pagpirma ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng PCL Pangasinan Chapter at ng Pangasinan State University noong Huwebes September 7, 2023. 

Pinangunahan ang Liga ng mga Konsehal sa lalawigan ng aming Pangulo na si Board Member Arthur Celeste, Jr. ng Alaminos City. 

Ayon sa Pangulo ng PSU na si Dr. Elbert Galas, layon ng kanilang pamantasan na makatulong sa mga lokal na mambabatas sa lalawigan para mas maging epektibo sa kanilang mga tungkulin ang mga nasabing lingkod bayan.

“We manifest our commitment to perform our role as your partner to provide training to enhance your capability and competence. We also provide assistance in conducting research by giving facts for you to use the information in research to aid you in your decision making in any activities or projects in your municipalities,” sabi ni Galas.

Nagpasalamat naman sa pamantasan ang Pangulo ng PCL Pangasinan na si BM Celeste. 

“We chose PSU. It’s what my dad tells us- lahat ng bagay may tutulong sayo. Pero ang nag-iisang tutulong sayo, tayo-tayo lang, our family. Sino pa ba ang tutulong sa atin kung hindi ang pamilya natin which is PSU,” sabi ni Celeste. 

Dumalo rin si PSU Vice President for Research, Extension, Innovation, and Gender Development Dr. Razeale G. Resultay, ang Dean ng College of Nursing Dr. Glizzel Catabay, ang Dean ng College of Arts and Sciences and Technology Dr. Gudelia Samson, ang  Chairperson ng Public Administration Department Mr. Jeffrey A. de Asis, at ang Director ng Planning Dr. Madlyn Tingco.

Nakasama rin natin ang ilang PCL Pangasinan Chapter Officers at Board of Directors na sila Vice President Carol Dizon-Sion ng Alaminos City, Business Manager Charlie Dave Rosete ng Agno, BOD Andrea Cruz ng Mangatarem, BOD Maricon Vindy Aquino- Operaña ng San Nicolas, at BOD Jallen Alipio ng Binmaley, Pangasinan.


Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading