Bigo man sa pagpapatuloy sa kampanya ng Philippine Women’s Football Team “Filipinas” sa FIFA World Cup 2023, proud na proud pa rin tayong mga Pilipino dahil sila ang kauna-unahang mga myembro na makatuntong sa FIFA World Cup.
Panalo rin sila laban sa kupunan mula sa New Zealand- na kauna-unahang panalo ng ating bansa sa anumang Football World Cup noong Martes July 25, 2023.

Photo from Merryll Serrano’s Instagram account
Isa sa mga nagbigay ng tagumpay ng ating bansa mula sa Filipinas ay ang 26-anyos na si Meryll Serrano na ipinanganak sa Barangay Amansabina, Mangaldan, Pangasinan bago tuluyang magpunta sa Norway ang kanyang pamilya.
Kwento ng 48 anyos na ina ni Meryll na si Racquel Rosales na taga Barangay Amansabina, Mangaldan pagdating nila sa Norway sa edad na 4 ay nakitaan na siya ng potensyal sa laro. Dagdag pa ni Racquel, Naging very supportive rin daw ang kanyang stepfather na Norwegian sa kanyang laro.
Kasalukuyang midfielder ng Filipinas si Serrano.
Ipinakita ang galing sa football ni Serrano noong Disyembre kung kelan sya nag-debut sa laban ng Filipinas laban sa kupunan ng Papua New Guinea kung saan nakapagbigay siya ng apat na goals para sa ating bansa.

Photo from Merryll Serrano’s Instagram account
Sa kanyang panayam bago ang kanilang laro, pinuri din ni Norway coach Hege Riise si Serrano kung saan ito ang kanyang naging pahayag, “She’s like a good technical player, [has a] big sense of humor [and] always fun to focus on tactics and football.”

Meryll Serrano with her two Norwegian siblings. Photo courtesy of Rcquel Rosales.
Dati ring player para sa Norway si Serrano kung saan nagsimula siyang maglaro doon sa edad na 14.

Photo from Merryll Serrano’s Instagram account
Sa ngayon patuloy nating kino-contact si Serrano para ating makapanayam.
Photo used as cover photo here is from Inquirer File PFF PHOTO.
SK Official Eligibility ng Civil Service, pwede na applyan simula October 4, 2025
Pwede na mag-apply ng SK Official Eligibility sa Civil service simula October 4, 2025
Regular Session ng 18th Council Sangguniang Bayan ng Mangaldan, dinaluhan ni Konsi Aldrin Soriano
Kabaleyang Mangaldeño, dinaluhan po ng inyong lingkod Aldrin Soriano ang isa sa mga nalalabing Regular Session ng 18th Council Sangguniang Bayan ng Mangaldan, noong May 23 sa SB Session Hall. Tinalakay ang nalalabing mga Budget Proposal ng ilang mga barangay. Bahagi ito ng ating sinumpaang pangako na trabaho sa ating mga kabaleyan, na magtatrabaho at…
Miss San Fabian Andrea Cayabyab, kinoronahan bilang Miss Universe PH Pangasinan 2025
Congratulations, ka-distrito Andrea! Ang kauna-unahang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines- Pangasinan!




Leave a comment