Kabaleyang Mangaldeño, bilang Chairman ng Committee on Appropriations at Ways and Means ng 18th Sangguniang Bayan ng Mangaldan ay ipinasa na po ng inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano ang resolusyon kaugnay ng Revised Annual Investment Program o AIP para sa 2023 sa ginanap na Regular Session ng Sangguniang Bayan noong Biyernes July 28, 2023.
Ito ay kaugnay ng mga dagdag na programa, proyekto, at aktibidad na popondohan mula sa mga hindi nagastos na Municipal Disaster Risk Reduction and Management Fund mula 2019 hanggang 2022 na nagkakahalaga ng Seven Million Seven hundred Sixty one thousand Seven Hundred Ninety three pesos at thirty nine centavos (P7,761,793.39).

Sa dokumentong isinumite sa Sangguniang Bayan, ilalan umano nasabing pondo para sa pagbili ng isang unit ng generator set na may 386 kilovolt ampere na may kasamang housing na nagkakahala ng Five Million Pesos (P5,000,000.00), isang unit ng recuse vehicle par sa disaster response, at isang unit ng ambulansya na nagkakahalaga ng Two Million Seven Hundred Sixty One thousand seven hundred ninety three pesos at thirty four centavos (P2,761,793.34).
Paliwanag ni Municipal Planning and Development Officer Milagros Padilla, layon ng pagkakaroon ng GenSet na magpatuloy ang trabaho at serbisyo sa munisipyo kung magkaroon man ng brownout o blackout. Ilalagay daw ito sa Municipal Plaza para maserbisyuhan ang munisipyo, ang plaza, at maging ang Sangguniang Bayan na nasa MYDC Building.
𝘽𝘼𝙎𝘼𝙃𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙍𝙀𝙑𝙄𝙎𝙀𝘿 𝘼𝙉𝙉𝙐𝘼𝙇 𝙄𝙉𝙑𝙀𝙎𝙏𝙈𝙀𝙉𝙏 𝙋𝙇𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝙈𝙐𝙉𝙄𝙎𝙄𝙋𝙔𝙊:
Dumalo rin sa isinagawang Committee Hearing sila Municipal Accountant Josie Bulatao, Business Licensing Section Officer-in-Charge Elma Aquino, at Municipal Budget Office Administrative Assistant IV Mary Grace Viñas.
Inaasahang makakatulong ang mga sasakyan na bibilhin para sa disaster response ng munisipyo.
Nakasaad sa Local Government Code na isa sa mga responsibilidad ng Sangguniang Bayan ang pagsusuri at pag-aapruba ng budget at iba pang appropriations ng munisipyo.
SK Official Eligibility ng Civil Service, pwede na applyan simula October 4, 2025
Pwede na mag-apply ng SK Official Eligibility sa Civil service simula October 4, 2025
Regular Session ng 18th Council Sangguniang Bayan ng Mangaldan, dinaluhan ni Konsi Aldrin Soriano
Kabaleyang Mangaldeño, dinaluhan po ng inyong lingkod Aldrin Soriano ang isa sa mga nalalabing Regular Session ng 18th Council Sangguniang Bayan ng Mangaldan, noong May 23 sa SB Session Hall. Tinalakay ang nalalabing mga Budget Proposal ng ilang mga barangay. Bahagi ito ng ating sinumpaang…
Miss San Fabian Andrea Cayabyab, kinoronahan bilang Miss Universe PH Pangasinan 2025
Congratulations, ka-distrito Andrea! Ang kauna-unahang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines- Pangasinan!




Leave a comment