Kabaleyang Mangaldeño, bilang Chairman ng Committee on Appropriations at Ways and Means ng 18th Sangguniang Bayan ng Mangaldan ay ipinasa na po ng inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano ang resolusyon ukol sa Supplemental Budget at Supplemental Investment Plan ng Konseho ng Barangay Talogtog sa ginanap na Committee Hearing at Regular Session noong Biyernes July 28, 2023..

Mula ito sa mga hindi nagastos na pondo ng nasabing barangay na may kabuuang halaga na Four hundred seventy four thousand eight hundred eighty five (P474,885.00). Partikular na sa mga hindi nagastos na pondo ay ang mula sa operating surplus na savings ng barangay noong 2022 na nagkakahalaga ng two hundred fifty thousand pesos (P250,000.00), other Maintenance and Other Operating Expenses na nagkakahalaga ng Eighty eight thousand three hundred eighty three pesos (P88,383.00), at ang hindi nagamit na Calamity Fund noon ding nakaraang taon na nagkakahalaga ng One hundred thirty six thousand five hundred pesos (P136,502.00).

Ilalaan ang nasabing pondo sa Phase Four ng pagkakabit ng nasa 13-15 piraso ng LED Streetlights partikular na sa Sitio Malicto. 

Sa ginanap na Committee Hearing, sinabi ni Kagawad Jaime Salvacion, Jr. na layon nilang mapailawan pa ang ilang bahagi ng barangay para maiwasan ang ibang mga krimen dito

𝘽𝘼𝙎𝘼𝙃𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙋𝙍𝙊𝙋𝙊𝙎𝙀𝘿 𝙎𝙐𝙋𝙋𝙇𝙀𝙈𝙀𝙉𝙏𝘼𝙇 𝘽𝙐𝘿𝙂𝙀𝙏 𝘼𝙏 𝙎𝙐𝙋𝙋𝙇𝙀𝙈𝙀𝙉𝙏𝘼𝙇 𝙄𝙉𝙑𝙀𝙎𝙏𝙈𝙀𝙉𝙏 𝙋𝙇𝘼𝙉: 

Ilan sa mga miyembro ng Barangay Council ng Tebag na dumalo sa nasabing Committee Hearing ay sila Kagawad Jaime Salvacion, Jr., Kagawad Romeo Mercado, Kagawad Rogelio Reyes, Kagawad Valentino Quinto, Barangay Secretary Divina Prestoza, at Barangay Treasurer Mark Kevin De Vera. 

Sumailalim na rin ang nasabing proposed Supplemental Budget at Proposed Supplemental Investment Plan sa pag-aaral at pagsusuri ng Local Finance Committee ng ating Munisipyo at ipinasa ang nasabing ordinansa sa Regular Session ng Sangguniang Bayan noong Biyernes July 28, 2023.

Nakasaad sa Local Government Code na isa sa mga responsibilidad ng Sangguniang Bayan ang pagsusuri at pag-aapruba ng budget at iba pang appropriations ng mga barangay na sakop ng bayan, maging ang budget at iba pang appropriations ng munisipyo.


Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading