Kabaleyang Mangaldeño, bilang Chairman ng Committee on Appropriations at Ways and Means ng 18th Sangguniang Bayan ng Mangaldan ay ipinasa na po ng inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano ang resolusyon ukol sa Supplemental Budget at Supplemental Investment Plan ng Konseho ng Barangay Tebag sa ginanap na Committee Hearing at Regular Session kahapon July 28, 2023..
Mula ito sa mga hindi nagastos na pondo ng nasabing barangay na may kabuuang halaga na Four hundred ninety-nine thousand nine hundred eighty pesos (P499,980.00). Partikular na sa mga hindi nagastos na pondo ay ang mula sa operating surplus na savings ng barangay noong 2022 na nagkakahalaga ng P264,633.60 at ang hindi nagamit na calamity fund noon ding nakaraang taon na nagkakahalaga ng P233,321.40.
Ilalaan ang nasabing pondo sa pagpapapintura at paglalagay ng concrete bricks sa Multi-Purpose Hall ng Barangay na nagkakahalaga ng P285,000 at paglalagay ng isa pang banyo sa barangay na nagkakahalaga naman ng P214,980.
𝘽𝘼𝙎𝘼𝙃𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙋𝙍𝙊𝙋𝙊𝙎𝙀𝘿 𝙎𝙐𝙋𝙋𝙇𝙀𝙈𝙀𝙉𝙏𝘼𝙇 𝘽𝙐𝘿𝙂𝙀𝙏 𝘼𝙏 𝙎𝙐𝙋𝙋𝙇𝙀𝙈𝙀𝙉𝙏𝘼𝙇 𝙄𝙉𝙑𝙀𝙎𝙏𝙈𝙀𝙉𝙏 𝙋𝙇𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝙇𝙄𝙉𝙆 𝙉𝘼 𝙄𝙏𝙊: https://aldrinsoriano.com/barangay-tebag-appropriation-supplemental-no-1/?frame-nonce=cedc36a55e
Sa ginanap na Committee Hearing, sinabi ni kapitan na iminungkahi ng DILG sa isinagawa nilang evaluation sa barangay na dapat ay mayroong magkahiwalay na banyo ang mga babae sa mga lalaki kaya nila dadagdagan ng isa pang banyo ang daycare na katabi lang ng kanilang Multi-Purpose Hall. Layon din daw nilang mas mapaganda pa ang barangay hall kaya pipinturahan nila ito dahil kupas na raw ang mga pintura rito.












Ilan sa mga miyembro ng Barangay Council ng Tebag na dumalo sa nasabing Committee Hearing ay sila Kapitan Daniel B. Biasura, Kagawad Teodulfo C. Almonte, Kagawad Lalie P. Cendaña, Kagawad Bobby N. Movida, Kagawad Alberto M. Barrozo, Kagawad Rommel Abrigo, Kagawad Randy S. Aquino, Kagawad Lester Glen Basa, SK Chairman John Carlo Movida, Secretary Merivel Dooc, at Treasurer Ana Ortiz.
Sumailalim na rin ang nasabing proposed Supplemental Budget at Proposed Supplemental Investment Plan sa pag-aaral at pagsusuri ng Local Finance Committee ng ating Munisipyo at ipinasa ang nasabing ordinansa sa Regular Session ng Sangguniang Bayan kahapon July 28, 2023.
Nakasaad sa Local Government Code na isa sa mga responsibilidad ng Sangguniang Bayan ang pagsusuri at pag-aapruba ng budget at iba pang appropriations ng mga barangay na sakop ng bayan, maging ang budget at iba pang appropriations ng munisipyo.
SK Official Eligibility ng Civil Service, pwede na applyan simula October 4, 2025
Pwede na mag-apply ng SK Official Eligibility sa Civil service simula October 4, 2025
Regular Session ng 18th Council Sangguniang Bayan ng Mangaldan, dinaluhan ni Konsi Aldrin Soriano
Kabaleyang Mangaldeño, dinaluhan po ng inyong lingkod Aldrin Soriano ang isa sa mga nalalabing Regular Session ng 18th Council Sangguniang Bayan ng Mangaldan, noong May 23 sa SB Session Hall. Tinalakay ang nalalabing mga Budget Proposal ng ilang mga barangay. Bahagi ito ng ating sinumpaang pangako na trabaho sa ating mga kabaleyan, na magtatrabaho at…
Miss San Fabian Andrea Cayabyab, kinoronahan bilang Miss Universe PH Pangasinan 2025
Congratulations, ka-distrito Andrea! Ang kauna-unahang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines- Pangasinan!




Leave a comment