Ipinasa ni Councilor Aldrin Soriano ang resolusyon ukol sa Supplemental Budget at Supplemental Investment Plan ng Konseho ng Barangay Banaoang sa ginanap na Regular Session ng Sangguniang Bayan noong December 2, 2022.
Ito ay bilang Chairman ni Councilor Soriano sa Committee on Appropriations and Ways and Means sa Sangguniang Bayan ng Mangaldan.
Nagmula ito sa hindi nagastos na 5 percent Gender and Development Plan ng nasabing barangay na may kabuuang halaga na Three Hundred Ninety Thousand Two Hundred Sixty Four pesos & twenty five centavos (P390,264.25).
Sa ginanap na pagdinig ng Committee Hearing ng Sangguniang Bayan na pinangunahan ni Councilor Soriano, sinabi ni Punong Barangay Rommel Visperas na ito ay gagamitin para makabili ng LED streetlights at solar lights na ilalagay sa Purok 2, Purok 5, at Purok 6. Kabilang sa mga purok na ito ay ang highway sa Banaoang na tapat ng mga coffee shops.
Dagdag pa ni Kapitan Visperas na kung maipapaliwanag nila ang mga madidilim na bahagi ng barangay ay mas makakahikayat pa sila ng iba-ibang negosyo na makakapag-invest sa kanilang barangay at makakapagbigay pa ng trabaho sa kanilang mga kabarangay at kababayan.




𝘽𝘼𝙎𝘼𝙃𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙋𝙍𝙊𝙋𝙊𝙎𝙀𝘿 𝙎𝙐𝙋𝙋𝙇𝙀𝙈𝙀𝙉𝙏𝘼𝙇 𝘽𝙐𝘿𝙂𝙀𝙏 𝘼𝙏 𝙎𝙐𝙋𝙋𝙇𝙀𝙈𝙀𝙉𝙏𝘼𝙇 𝙄𝙉𝙑𝙀𝙎𝙏𝙈𝙀𝙉𝙏 𝙋𝙇𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙉𝘼𝙊𝘼𝙉𝙂 𝙎𝘼 𝙇𝙄𝙉𝙆 𝙉𝘼 𝙄𝙏𝙊: https://aldrinsoriano.com/budget-supplemental-budget-no-2-at-supplemental-investment-plan-ng-barangay-banaoang/
Kasama ni Kap Rommel na dumalo sa nasabing pagdinig sila Kagawad Fredo Basto, Kagawad Jaime Suquila, Kagawad Myrna Nebre, Kagawad Alberto Enriquez Jr., at Barangay Treasurer Leonardo Sendayen.
Sumailalim din ang nasabing proposed Supplemental Budget at Proposed Supplemental Investment Plan sa pag-aaral at pagsusuri ng Local Finance Committee ng ating Munisipyo at ng Committee on Appropriations and Ways and Means ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan. Naipasa ang nasabing ordinansa sa Regular Session ng Sangguniang Bayan noong December 2, 2022.
Nakasaad sa Local Government Code na isa sa mga responsibilidad ng Sangguniang Bayan ang pagsusuri at pag-aapruba ng budget at iba pang appropriations ng mga barangay na sakop ng bayan, maging ang budget at iba pang appropriations ng munisipyo.
SK Official Eligibility ng Civil Service, pwede na applyan simula October 4, 2025
Pwede na mag-apply ng SK Official Eligibility sa Civil service simula October 4, 2025
Regular Session ng 18th Council Sangguniang Bayan ng Mangaldan, dinaluhan ni Konsi Aldrin Soriano
Kabaleyang Mangaldeño, dinaluhan po ng inyong lingkod Aldrin Soriano ang isa sa mga nalalabing Regular Session ng 18th Council Sangguniang Bayan ng Mangaldan, noong May 23 sa SB Session Hall. Tinalakay ang nalalabing mga Budget Proposal ng ilang mga barangay. Bahagi ito ng ating sinumpaang pangako na trabaho sa ating mga kabaleyan, na magtatrabaho at…
Miss San Fabian Andrea Cayabyab, kinoronahan bilang Miss Universe PH Pangasinan 2025
Congratulations, ka-distrito Andrea! Ang kauna-unahang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines- Pangasinan!
Adopt-a-River Program ng DOJ at DENR, inilunsad sa Mangaldan, Pangasinan
Maka-kalikasang araw, kabaleyan at ka-distrito! Dumalo at nakiisa po ang inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano #𝑩𝑴𝑨𝒍𝒅𝒓𝒊𝒏𝑺𝑶𝑹𝑰𝑨𝑵𝑶 sa paglulunsad ng Adopt-a-River Program ng Department of Justice o DOJ Parole and Probation Administration at ng Department of the Environment and Natural Resources o DENR sa Embarcadero Elementary School noong Miyerkules, December 4, 2024. Pinangunahan ni Mangaldan Mayor…
Sen. Kiko Pangilinan, bumisita sa Mangaldan, Pangasinan
Masaya po ang inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano na salubungin sa Munisipyo ng Mangaldan ang ating dati at muling ibabalik na Senador. Nag-courtesy call kasi si Sen Kiko kay Mangaldan Mayor Bona Fe De Vera-Parayno at sa mga lingkod bayan. Tinalakay nila ang Sagip Saka Law na akda ni Sen Kiko na malaking tulong sa…
Basketball League Opening ng SK Sto. Tomas, dinaluhan ni Aldrin Soriano ng Kwatro Distrito
Mga ka-distrito, dumalo po ang inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano #𝑩𝑴𝑨𝒍𝒅𝒓𝒊𝒏𝑺𝑶𝑹𝑰𝑨𝑵𝑶 sa pagbubukas ng Basketball League ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Sto. Tomas, San Jacinto noong Linggo. Nagpapasalamat po ako sa SK Council sa pamumuno ni SK Chairperson Jayrel Solomon Legaspi at sa kanyang mga kasamahang opisyal ng mga kabataan. Mainit din po ang pagsalubong…



Leave a comment