Ipinasa ni Councilor Aldrin Soriano ng Mangaldan, Pangasinan ang resolusyon ukol sa Supplemental Budget at Supplemental Investment Plan ng Konseho ng Barangay Salaan sa ginanap na Regular Session ng Sangguniang Bayan noong December 2, 2022. Ito ay bilang Chairman ni Councilor Soriano sa Committee on Appropriations and Ways and Means sa Sangguniang Bayan ng Mangaldan. 

Nagmula ito sa mga hindi nagastos na pondo ng nasabing barangay at may kabuuang halaga na Three Hundred Thousand Nine Hundred Twenty Nine Pesos and 85 centavos (P300,929.85). Partikular na sa mga hindi nagastos na Gender and Development Plan Fund na nagkakahalaga ng P110,929.85; Pre-Calamity Fund na nagkakahalaga ng P60,000; at hindi nagastos na budget para sa pagpapagawa ng road shoulder na nagkakahalaga ng P107,000; at ibang hindi nagastos na budget na nagkakahalaga ng P23,000.

Sa ginanap na Committee Hearing ng Sangguniang Bayan na pinangunahan ni Councilor Soriano, sinabi ng ilang mga barangay officials na ipapagawa ang kanal sa harapan ng Salaan Elementary school at may haba na 60 metro. Lalagyan din umano ang nasabing ipapatayong kanal ng takip para maaaring mag-park ang ilang mga sasakyan dito. 

𝘽𝘼𝙎𝘼𝙃𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙋𝙍𝙊𝙋𝙊𝙎𝙀𝘿 𝙎𝙐𝙋𝙋𝙇𝙀𝙈𝙀𝙉𝙏𝘼𝙇 𝘽𝙐𝘿𝙂𝙀𝙏 𝘼𝙏 𝙎𝙐𝙋𝙋𝙇𝙀𝙈𝙀𝙉𝙏𝘼𝙇 𝙄𝙉𝙑𝙀𝙎𝙏𝙈𝙀𝙉𝙏 𝙋𝙇𝘼𝙉 𝙉𝙂 𝙎𝘼𝙇𝘼𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝙇𝙄𝙉𝙆 𝙉𝘼 𝙄𝙏𝙊: https://aldrinsoriano.com/budget-supplemental-budget-no-2-at-supplemental-investment-plan-ng-barangay-salaan/ 

Sa ginanap na pagdinig ng Committee Hearing ng Sangguniang Bayan na pinangunahan ni Councilor Soriano, 

Ilan sa mga miyembro ng Barangay Council ng Salaan na dumalo sa nasabing Committee Hearing ay sila Kagawad Eduardo Abrogar, Kagawad Rolando Quirimit, Kagawad Leah Embuido, Kagawad Jorge de Guzman, Kagawad Joseph Manaois, Kagawad Ramon Abril, Jr., Barangay Secretary Luz Malco, at Barangay Treasurer Juanito Quejada.

Sumailalim na rin ang nasabing proposed Supplemental Budget at Proposed Supplemental Investment Plan sa pag-aaral at pagsusuri ng Local Finance Committee ng ating Munisipyo at ng Committee on Appropriations and Ways and Means ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan. Naipasa ang nasabing ordinansa sa Regular Session ng Sangguniang Bayan noong December 2, 2022.

Nakasaad sa Local Government Code na isa sa mga responsibilidad ng Sangguniang Bayan ang pagsusuri at pag-aapruba ng budget at iba pang appropriations ng mga barangay na sakop ng bayan, maging ang budget at iba pang appropriations ng munisipyo.


Adopt-a-River Program ng DOJ at DENR, inilunsad sa Mangaldan, Pangasinan

Maka-kalikasang araw, kabaleyan at ka-distrito! Dumalo at nakiisa po ang inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano  #𝑩𝑴𝑨𝒍𝒅𝒓𝒊𝒏𝑺𝑶𝑹𝑰𝑨𝑵𝑶 sa paglulunsad ng Adopt-a-River Program ng Department of Justice o DOJ Parole and Probation Administration at ng Department of the Environment and Natural Resources o DENR sa Embarcadero Elementary School noong Miyerkules, December 4, 2024.  Pinangunahan ni Mangaldan Mayor…

Sen. Kiko Pangilinan, bumisita sa Mangaldan, Pangasinan

Masaya po ang inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano na salubungin sa Munisipyo ng Mangaldan ang ating dati at muling ibabalik na Senador.  Nag-courtesy call kasi si Sen Kiko kay Mangaldan Mayor Bona Fe De Vera-Parayno at sa mga lingkod bayan. Tinalakay nila ang Sagip Saka Law na akda ni Sen Kiko na malaking tulong sa…

Basketball League Opening ng SK Sto. Tomas, dinaluhan ni Aldrin Soriano ng Kwatro Distrito

Mga ka-distrito, dumalo po ang inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano  #𝑩𝑴𝑨𝒍𝒅𝒓𝒊𝒏𝑺𝑶𝑹𝑰𝑨𝑵𝑶 sa pagbubukas ng Basketball League ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Sto. Tomas, San Jacinto noong Linggo.  Nagpapasalamat po ako sa SK Council sa pamumuno ni SK Chairperson Jayrel Solomon Legaspi at sa kanyang mga kasamahang opisyal ng mga kabataan. Mainit din po ang pagsalubong…

Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading