Kabaleyang Mangaldeño, bilang Chairman ng Committee on Appropriations at Ways and Means ng 18th Sangguniang Bayan ng Mangaldan ay ipinasa na po natin ang mga Resolusyon na nag-aapruba sa proposed Annual Budget at proposed Annual Investment Plan ng Konseho ng Barangay Malabago para sa 2023.
Ito po ay may kabuuang halaga na Seven Million Nine Hundred Fifty Seven Thousand Three Hundred Ninety Five Pesos and 43 centavos only (P7,957,395.43).
Nakapaloob din sa nasabing budget ang mga sumusunod na nakasaad sa Local Government Code:
20% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa development projects;
5% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Calamity Fund;
10% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Sangguniang Kabataan;
5% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Gender and Development Program;
1% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Senior Citizen at PWD Program; at
3% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Maintenance and other Operating Expenditure.
Ayon sa mga opisyal ng barangay, ang mga programa at proyekto na kanilang paggagastusan ngayong taon ay ang paglalagay ng streetlights at solar lights sa Zone 3 at Zone 7 na nagkakahalaga ng 323,434 pesos, paggawa ng canal sa Zone 2 (De Guzman Compound) na nagkakahalaga ng 200,000 pesos, paggawa ng canal sa Zone 6 na nagkakahalaga ng 300,000 pesos, paggawa ng drainage canal sa Zone 2 with culvert (Aniani Road) na nagkakahalaga ng 50,000 pesos, paggawa ng drainage canal sa Zone 5 na nagkakahalaga ng 50,000 pesos, at Clean and Green Activity na nagkakahalaga ng 300,000 pesos. Nilinaw din nila na ang Clean and Green Activity ay ilalaan din sa pagbabayad ng basura ng barangay.



𝘽𝘼𝙎𝘼𝙃𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙋𝙍𝙊𝙋𝙊𝙎𝙀𝘿 𝘼𝙉𝙉𝙐𝘼𝙇 𝘽𝙐𝘿𝙂𝙀𝙏 𝘼𝙏 𝙋𝙍𝙊𝙋𝙊𝙎𝙀𝘿 𝘼𝙄𝙋 𝙉𝙂 𝘽𝙍𝙂𝙔. 𝙈𝘼𝙇𝘼𝘽𝘼𝙂𝙊 𝙎𝘼 𝙇𝙄𝙉𝙆 𝙉𝘼 𝙄𝙏𝙊: https://aldrinsoriano.com/budget-2023-annual-budget-at-aip-ng-barangay-malabago/
Humarap ang ilang miyembro ng konseho ng Barangay Malabago sa Committee na sila Kagawad Myla Muyargas, Kagawad Manny Ramirez, Kagawad Eduardo de Vera, Kagawad Dennis Tandingan, Kagawad Richard Aquino, Barangay Secretary Laiza Lapore, at Barangay Treasurer Perfecto de Guzman.
Sumailalim din ang nasabing proposed Annual Budget sa pag-aaral at pagsusuri ng Local Finance Committee ng ating Munisipyo at ng Committee on Appropriations and Ways and Means ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan. Naipasa ang nasabing ordinansa sa Regular Session ng Sangguniang Bayan noong December 2, 2022.
Nakasaad sa Local Government Code na isa sa mga responsibilidad ng Sangguniang Bayan ang pagsusuri at pag-aapruba ng budget at iba pang appropriations ng mga barangay na sakop ng bayan, maging ang budget at iba pang appropriations ng munisipyo.



Leave a comment