Kabaleyang Mangaldeño, bilang Chairman ng Committee on Appropriations at Ways and Means ng 18th Sangguniang Bayan ng Mangaldan ay ipinasa na po natin ang mga Resolusyon na nag-aapruba sa proposed Annual Budget at proposed Annual Investment Plan ng Konseho ng Barangay Maasin para sa 2023.
Ito po ay may kabuuang halaga na Five Million Eight Hundred Fifty Nine Thousand Seven Hundred Sixty Two Pesos and 11/100 only (P5,859,762.11).
Nakapaloob din sa nasabing budget ang mga sumusunod na nakasaad sa Local Government Code:
20% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa development projects;
5% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Calamity Fund;
10% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Sangguniang Kabataan;
5% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Gender and Development Program;
1% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Senior Citizen at PWD Program; at
3% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Maintenance and other Operating Expenditure.
Ayon kay Punong Barangay at Liga ng mga Barangay President Rolly Abalos, ilan sa mga proyekto at programang kanilang ipapatupad ngayong taon ay ang Installation ng mga Barangay Streetlights na nagkakahalaga ng 710,194 pesos, Installation ng CCTV Camera, Monitor, at System na nagkakahalaga naman ng 150,000 pesos, at Clean and Green at Declogging ng mga Drainage Canal na nagkakahalaga naman ng 200,000 pesos.





𝘽𝘼𝙎𝘼𝙃𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙋𝙍𝙊𝙋𝙊𝙎𝙀𝘿 𝘼𝙉𝙉𝙐𝘼𝙇 𝘽𝙐𝘿𝙂𝙀𝙏 𝘼𝙏 𝙋𝙍𝙊𝙋𝙊𝙎𝙀𝘿 𝘼𝙄𝙋 𝙉𝙂 𝘽𝙍𝙂𝙔. 𝙈𝘼𝘼𝙎𝙄𝙉 𝙎𝘼 𝙇𝙄𝙉𝙆 𝙉𝘼 𝙄𝙏𝙊: https://aldrinsoriano.com/legislations/ordinances/budget-2023-annual-budget-at-annual-aip-ng-barangay-maasin/
Humarap ang ilang miyembro ng konseho ng Barangay Maasin na sila Kagawad Rodrigo Aquino, Kagawad Arturo Cendaña, Kagawad Josue Bautista, Kagawad Roberto Gotos, Barangay Secretary Terry James Follosco, at Barangay Treasurer Roberto Prado.
Sumailalim din ang nasabing proposed Annual Budget sa pag-aaral at pagsusuri ng Local Finance Committee ng ating Munisipyo at ng Committee on Appropriations and Ways and Means ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan. Naipasa ang nasabing ordinansa sa Regular Session ng Sangguniang Bayan noong December 2, 2022.
Nakasaad sa Local Government Code na isa sa mga responsibilidad ng Sangguniang Bayan ang pagsusuri at pag-aapruba ng budget at iba pang appropriations ng mga barangay na sakop ng bayan, maging ang budget at iba pang appropriations ng munisipyo.
SK Official Eligibility ng Civil Service, pwede na applyan simula October 4, 2025
Pwede na mag-apply ng SK Official Eligibility sa Civil service simula October 4, 2025
Regular Session ng 18th Council Sangguniang Bayan ng Mangaldan, dinaluhan ni Konsi Aldrin Soriano
Kabaleyang Mangaldeño, dinaluhan po ng inyong lingkod Aldrin Soriano ang isa sa mga nalalabing Regular Session ng 18th Council Sangguniang Bayan ng Mangaldan, noong May 23 sa SB Session Hall. Tinalakay ang nalalabing mga Budget Proposal ng ilang mga barangay. Bahagi ito ng ating sinumpaang pangako na trabaho sa ating mga kabaleyan, na magtatrabaho at…
Miss San Fabian Andrea Cayabyab, kinoronahan bilang Miss Universe PH Pangasinan 2025
Congratulations, ka-distrito Andrea! Ang kauna-unahang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines- Pangasinan!
Adopt-a-River Program ng DOJ at DENR, inilunsad sa Mangaldan, Pangasinan
Maka-kalikasang araw, kabaleyan at ka-distrito! Dumalo at nakiisa po ang inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano #𝑩𝑴𝑨𝒍𝒅𝒓𝒊𝒏𝑺𝑶𝑹𝑰𝑨𝑵𝑶 sa paglulunsad ng Adopt-a-River Program ng Department of Justice o DOJ Parole and Probation Administration at ng Department of the Environment and Natural Resources o DENR sa Embarcadero Elementary School noong Miyerkules, December 4, 2024. Pinangunahan ni Mangaldan Mayor…
Sen. Kiko Pangilinan, bumisita sa Mangaldan, Pangasinan
Masaya po ang inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano na salubungin sa Munisipyo ng Mangaldan ang ating dati at muling ibabalik na Senador. Nag-courtesy call kasi si Sen Kiko kay Mangaldan Mayor Bona Fe De Vera-Parayno at sa mga lingkod bayan. Tinalakay nila ang Sagip Saka Law na akda ni Sen Kiko na malaking tulong sa…
Basketball League Opening ng SK Sto. Tomas, dinaluhan ni Aldrin Soriano ng Kwatro Distrito
Mga ka-distrito, dumalo po ang inyong lingkod Councilor Aldrin Soriano #𝑩𝑴𝑨𝒍𝒅𝒓𝒊𝒏𝑺𝑶𝑹𝑰𝑨𝑵𝑶 sa pagbubukas ng Basketball League ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Sto. Tomas, San Jacinto noong Linggo. Nagpapasalamat po ako sa SK Council sa pamumuno ni SK Chairperson Jayrel Solomon Legaspi at sa kanyang mga kasamahang opisyal ng mga kabataan. Mainit din po ang pagsalubong…



Leave a comment