Kabaleyang Mangaldeño, bilang Chairman ng Committee on Appropriations at Ways and Means ng 18th Sangguniang Bayan ng Mangaldan ay ipinasa na po natin ang mga Resolusyon na nag-aapruba sa proposed Annual Budget at proposed Annual Investment Plan ng Konseho ng Barangay Tebag para sa 2023.
Ito po ay may kabuuang halaga na Four Million Eight Hundred One Thousand Thirty Seven Pesos (P4,801,037.00). Dahil sa pagpapatupad sa Mandanas Ruling ay bumaba ng mahigit kalahating milyon o 577,772.97 ang budget ng Barangay Tebag mula sa budget nito noong nakaraang taon na nagkakahalaga ng 5,378,809.97.
Nakapaloob din sa nasabing budget ang mga sumusunod na nakasaad sa Local Government Code:
20% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa development projects;
5% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Calamity Fund;
10% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Sangguniang Kabataan;
5% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Gender and Development Program;
1% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Senior Citizen at PWD Program; at
3% sa kabuuang budget na ito ay nakalaan para sa Maintenance and other Operating Expenditure.
Ayon kay Punong Barangay Daniel Biasura, ilan sa mga proyekto at programang kanilang ipapatupad ngayong taon ay ang Construction of Drainage Canal with cover na popondohan ng 766,807.40, Clean and Green Activity na popondohan ng 50,000, at Declogging Activity na popondohan ng 50,000.





𝘽𝘼𝙎𝘼𝙃𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙋𝙍𝙊𝙋𝙊𝙎𝙀𝘿 𝘼𝙉𝙉𝙐𝘼𝙇 𝘽𝙐𝘿𝙂𝙀𝙏 𝙉𝙂 𝘽𝙍𝙂𝙔. 𝙏𝙀𝘽𝘼𝙂 𝙎𝘼 𝙇𝙄𝙉𝙆 𝙉𝘼 𝙄𝙏𝙊: https://aldrinsoriano.com/legislations/budget-2023-annual-budget-ng-barangay-tebag/
Kasama ni Kap Daniel Biasura na dumalo sa Committee Hearing sila Kagawad Bobby Movida, Kagawad Alberto Barrozo, Kagawad Randy Aquino, Kagawad Lalie Cendaña, Kagawad Teodulfo Almonte, Kagawad Lester Glenn Basa, Kagawad Rommel Abrigo, Barangay Secretary Marivel Dooc, at Barangay Treasurer Ana Ortiz.
Sumailalim din ang nasabing proposed Annual Budget sa pag-aaral at pagsusuri ng Local Finance Committee ng ating Munisipyo at ng Committee on Appropriations and Ways and Means ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan. Naipasa ang nasabing ordinansa sa Regular Session ng Sangguniang Bayan noong December 2, 2022.
Nakasaad sa Local Government Code na isa sa mga responsibilidad ng Sangguniang Bayan ang pagsusuri at pag-aapruba ng budget at iba pang appropriations ng mga barangay na sakop ng bayan, maging ang budget at iba pang appropriations ng munisipyo.



Leave a comment