Kabaleyang Mangaldeño, bilang Chairman ng Committee on Appropriations at Ways and Means ng 18th Sangguniang Bayan ng Mangaldan ay ipinasa na po natin ang mga Resolusyon na nag-aapruba sa proposed supplemental budget at supplemental investment plan ng Konseho ng Barangay Inlambo para sa pagkakaroon ng LED streetlights sa nasabing barangay. 

Ito po ay may kabuuang halaga na Three Hundred Thirty Thousand Pesos only (P330,000.00).

Ayon kay Punong Barangay Rogelio Garcia, ang pinanggagalingan ng kanilang pondo ay ang hindi nagamit at natirang 5% Gender and Development (GAD) Plan na P157,325.00, Barangay Road Regravelling na nagkakahalaga naman ng P100,000.00, at 70% Pre-Calamity Disaster Fund na nagkakahalaga ng P72,675.00. Ito ay may kabuuang P330,000.00 

Nang aking tanungin kung bakit hindi nagamit ang mga nakasaad na pondo ng kanilang barangay lalo na ang Road Regravelling, sabi ni Kap Rogel na naging sapat na ang mga ginawang kalsada ng nakaraang administrasyon sa kanilang barangay at may ibibigay pang tulong ang kasalukuyang administrasyon sa kanila aniya.

Gagastusin naman ang nasabing pondo para makapagkabit ng 10 pirasong LED Streetlights  sa main road ng nasabing barangay. Kasama na rin dito ang mga poste na gagamitin. 

𝘽𝘼𝙎𝘼𝙃𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙋𝙍𝙊𝙋𝙊𝙎𝙀𝘿 𝙎𝙐𝙋𝙋𝙇𝙀𝙈𝙀𝙉𝙏𝘼𝙇 𝘽𝙐𝘿𝙂𝙀𝙏 𝙉𝙂 𝘽𝙍𝙂𝙔. 𝙄𝙉𝙇𝘼𝙈𝘽𝙊 𝙎𝘼 𝙇𝙄𝙉𝙆 𝙉𝘼 𝙄𝙏𝙊: https://aldrinsoriano.com/budget-supplemental-budget-ng…/ 

Kasama ni Kap Rogel na dumalo sa Committee Hearing sila Kagawad Dante Delos Santos, Kagawad Aniceta Ungria, Kagawad Liezl Soriano, Kagawad Mardi Almonte, Kagawad Danilo Lalata, Barangay Secretary Mercedes Delos Santos, at Barangay Treasurer Rodolfo Biasura.

Sumailalim din ito sa pag-aaral at pagsusuri ng Local Finance Committee ng ating Munisipyo at ng Committee on Appropriations and Ways and Means ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan. Naipasa ang nasabing ordinansa sa Regular Session ng Sangguniang Bayan noong December 2, 2022.

Nakasaad sa Local Government Code na isa sa mga responsibilidad ng Sangguniang Bayan ang pagsusuri at pag-aapruba ng budget at iba pang appropriations ng mga barangay na sakop ng bayan, maging ang budget at iba pang appropriations ng munisipyo.


Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading