Kabaleyang Mangaldeno, dumalo po tayo sa pagpapasinaya ng bagong Mangaldan Police Station sa harap ng Mangaldan Slaughterhouse at likod ng Mangaldan National High School noong November 29, 2022. 

Dinaluhan ito ng mga opisyal ng PNP, ng probinsya, at Bayan ng Mangaldan kabilang na sina Pangasinan Vice Governor Mark Lambino, PNP Regional Director PBGEN John C. Chua, PNP Provincial Director PLTCOL. Jeff E. Fanged, Mangaldan Mayor Bona Fe Parayno, OIC Mangaldan Chief of Police PLTCOL. Zarate, Jr. at mga kapwa nating konsehal na sila Councilor Atty. Fernando Juan A. Cabrera at Councilor Christopher G. Romero.

Ang nasabing bagong istasyon ng Mangaldan PNP ay mula sa inisyatibo nila Former Secretary Atty. Raul Lambino at sinimulan sa administrasyon ni former Mangaldan Mayor Marilyn Lambino. Ipinasa naman ng Sangguniang Bayan ang donasyong lupa para sa nasabing istasyon. 

Ayon sa PNP, ito ang unang Class A Standard na PNP Station sa buong Probinsya ng Pangasinan.

Inaasahan namang mas mapapagting ng pulisya ang pagresponde nito sa iba-ibang usaping panseguridad at krimen sa bayan. Sa ngayon, pinagpaplanuhan pa kung ano ang gagawin sa lumang istasyon ng pulisya na nasa tabi ng Mangaldan Plaza.


Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading