Kabaleyang Mangaldeño, nanumpa na ang mga bagong halal na opisyal ng Guesang Elementary School Parents Teachers’ Association, November 26, 2022.
Nagsilbi tayong Induction Officer sa mga bagong opisyal na pinamumunuan ng Pangulo na si Kuya Gilmark Meneses. Naroon din ang OIC Principal at ang Public Schools District Supervisor na si Dr. Arabella May Soniega.
Binabati ko po ang mga bagong halal na opisyal at sinasaluduhan ko rin ang mga outgoing officers na pinamunuan ni Bro Renato Estrada.
Nagpapasalamat din po akong muli sa Guesang Elementary School sa pag-imbita sa akin bilang Chairperson ng Committee on Education sa Sangguniang Bayan ng Mangaldan. Makakaasa po kayo na kakampi nyo po ako sa inyong mga adbokasiya at proyekto sa paaralan.










Leave a comment