Nanalo bilang Regional Treasurer si Mangaldan Councilor Aldrin Soriano sa ginanap na Luzon-wide synchronized Regional Elections na ginanap sa Marriott Hotel sa Pasay City ngayong araw, November 24.








Si Konsi Aldrin ang kauna-unahang Mangaldeño na nahalal sa nasabing posisyon. Nagsilbi siyang Interim Board of Director sa Region One at kasalukuyang two-term Secretary General ng PCL Pangasinan Chapter.
Nahalal naman bilang Regional Chairperson si Carolyn Dizon-Sison ng Alaminos City, Pangasinan. Ang Philippine Councilors League ay samahan ng lahat ng konsehal sa bansa.



Leave a comment