Kabaleyang Mangaldeño, bilang kinatawan ng aming grupo ako po ay nagpresent ng aming Capstone Project sa Local Public Policy Course for Legislators ng Philippine Councilors League Region I at ng University of the Philippines National College of Public Administration and Governance Center for Local and Regional Governance. 

Isang Evidence-based Legislation ang aming proyekto kung saan naatasan kaming sumulat ng isang ordinansa na ayon sa paksa at sitwasyong aming nabunot. Malaking tulong ito para mas maunawaan pa ng mga kalahok ang kahalagahan ng isang ordinansa na ibinase sa mga lehitimong impormasyon at research. 

Nagpapasalamat ako sa aking mga kagrupo na sila Konsehal Gem Paula Lucero at Konsehal Edwin Singzon ng San Juan, Ilocos Sur; Konsehal Winston Millora ng San Carlos City, Pangasinan; Konsehal Reo Opinaldo at Konsehal Zhoren Elrick Ordinario ng Balaoan, La Union, at Konsehal Carlito Rasdas ng Vintar, Ilocos Norte sa kanilang pakikiisa at aktibong pakikilahok sa aming group activities. 


Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading