PRIVILEGE SPEECH OF COUNCILOR ALDRIN SORIANO
June 20, 2022; Last Regular Session
17th Council of the Sangguniang Bayan of Mangaldan
========================================================================
Sa ating presiding officer, multi-awarded Presiding Officer of the Sangguniang Bayan ng Mangaldan, my mentor, Vice Mayor Attorney Pedro “Jojo” Aquino Surdilla, Jr.;
Sa aking mga kasamahang konsehal ng 17th Council ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan:
My fellow kakampink, our Presiding Officer Pro-tempore, Councilor Attorney Joseph Emmanuel Biala Cera- ang nagturo sa akin na ang tao ang sentro ng pamumuno;
Three-term Councilor pero 21 years in service- Councilor Ma. Teresa “Baby” Mose-Abalos; Nagsilbi na rin silang vice mayor sa ating bayan;
Our GRACE Guardians Founder in Mangaldan, ang nagpayabong ng kahulugan ng public service lalo na sa usaping dental health: Doctor Joselito “Jojo” De Guzman Quinto;
One of my kuyas in the Sangguniang Bayan, the son of my idol mayor, Mayor Herminio Romero, Councilor Christopher “Topher” Generosa Romero;
My uncle in the Sanggunian, ang nagturo sa akin na ang tama ay ipinaglalaban at huwag na huwag dudungisan ang pangalan, Councilor Joel “Malinis” Ceralde Meneses;
One of my Kuyas as well as adviser, our majority floor leader, ang joker ng Sangguniang Bayan, Councilor Attorney Fernando Juan Asenas Cabrera;
One of my closest colleagues, ang kasama ko sa mga iba-ibang kapilyohan o kalokohan, Councilor Juvy Ocomen Frialde;
One of the most outstanding Punong Barangays in Mangaldan, siya yung lider na intergenerational ang pinagsisilbihan dahil maging yung mga former barangay captains (na mga kabatch na ang mga kasama na ngayong kapitan- mga anak na ang kasamang kapitan) ay kilala at kinikilala pa rin niya; our LIGA President Councilor Rolly Gubatan Abalos;
Award-winning Sangguniang Kabataan Chairman, not only in the province of Pangasinan, not only in Region 1, but in the Philippines- our SK Federation President Councilor Michael Ervin Carino-Lomibao;
Sa ating napakasigasig na SB Secretary, my adviser na kahit sa gitna ng gabi ay sinasagot pa rin ang aking mga tanong, ang pinaka-ikoy sa mga ikoy, Uncle Sir Juan “Johnny” Aquino;
Sa ating napakagandang SB Assistant Secretary, my ninang, Ma’am Larah Socorro Soriano;
Sa mga staff ng Sangguniang Bayan- ang iba ay kasama na natin mula noong 2016, allow me to acknowledge them one-by-one:
Ate Jenny Quinto;
Camille Ann Biason;
Evaristo “Kuya Estong” Soriano;
Jeffrey Revilla;
Edwin M. Santos;
Kuya Jeremias “Jerry” Casipit;
Ate Carmela “Lala” velasquez;
Uncle Blas Moulic;
Ruben Elcano;
Jose Romy Calicdan;
Kenneth Tandingan
Antonio Sergio Mejia IV
Edwin Blandilla;
Jan Albert Mangilit;
Jeyson Mangsat;
John Angelo Caballero;
Kim Sotto;
Melvin Jomel Quinto;
Michael Rey Ulanday;
Pablo Orenza, Jr.;
Paul Bryan Fernandez;
Samuel Soriano;
Johnny Bautista
Jane Lim
Julius Macaraeg
Krischellelyn Arellano
Ate Ruth Aquino
Kuya Eduardo “Eddie” Mangobos;
Dianne Velasquez;
Sandra Dale Moulic;
Richard Lalamoro;
Julie Moulic;
Kenn Ferrer;
Rowena Weng Ubando;
Adolfo Limon;
Wilson Doria;
Almira Flores;
Jerilyn Gubatan;
Patrick Jomar Carino;
Sa aking mga staff na sila Ronnie tandingan at Jonald Antenor- na pawang mga shock absorber sa mga pressure sa trabaho, pero sulit din lahat ng kanilang pagod at hirap kahit noong kampanya;
Sa ating mga minamahal na kababayan, kabaleyan, maging sa mga kababayan nating makakabasa ng salin ng aking privileged speech sa official records at minutes ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan;
Mapagpalang araw po sa ating lahat!
Ngayong hapon, nais ko pong ibahagi ang ilan sa mga napagtagumpayan ng ating konseho- kasama ang bawat isa sa atin na narito ngayon;
Una, nabigyan ng pangalan ang konseho: ang 17th Council ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan. Hindi lang po tayo makikilala bilang mga opisyal at myembro na nanilbihan mula 2019 hanggang 2022, kung hindi makikilala tayo bilang 17th Sanggunian. Ito po ay matapos nating mailagay ang bunga ng historical research ukol sa mga naunang Sanggunian sa atin, bagay na ipinanday din natin sa Codified Revised Internal Rules of Procedures ng Sanggunian.
Pangalawa, aminado po ako na naging hamon na makasama ang mga bagong konsehal noon na kabilang sa kasalungat na partido- sila Councilor Topher at Councilor Joel. Pero noong mas nakilala natin sila at mas nakasama, nakapalagayang loob, ay nawala ang lahat ng pangamba ng hindi pagkakaintindihan;
Wala pang isang buwan nang inimbitahan tayo noon bilang isang buong Sanggunian ni Mayor Marilyn De Guzman Lambino kasama ang Sanggunian Secretary, para hikayating magkaisa, magkasundo para sa Bayan ng Mangaldan.
Pangatlo, kasabay ng iba-ibang matinding hamong pinagdaanan ng bansa noong mga nagdaang taon kagaya ng African Swine Fever o ASF. Hindi po nagpahuli ang Sangguniang Bayan sa isyu na ito sa pamumuno ni Vice Mayor Jojo at sinamahan natin si Mayor Lambino.
Matapos marinig ang ulat mula kay Municipal Agriculturist Merle Sali ukol sa outbreak at gravity ng epekto ng ASF sa ating bayan, agad tayong nagpasa ng resolusyon na nagdideklara ng State of Calamity para makagamit ng pondo na maaaring magamit para matugunan ang pangangailangan ng mga may-ari ng mga naapektuhang baboy at babuyan;
Pang-apat, hindi rin po naging madali ang ating pinagdaanan sa COVID-19 pandemic, lalo na noong kasagsagan nito noong 2020. Pero umaksyon din po tayo agad sa lokal na lehislatura. Nagpasa tayo ng mga Supplemental Budget na may kabuuang halaga na P57,034,912.01 pesos.
Laman nito ang:

Pang-lima, naging makasaysayan din ang pamumuno ni Vice Mayor Surdilla dahil sa unang pagkakataon, nagkaroon ng sariling sasakyan ang Sangguniang Bayan. Sa bisa rin ng isang Supplemental Budget No. 5 noong 2020, nakapaglaan tayo ng halagang 700,000 pesos para sa dagdag na pambayad para sa Sangguniang Bayan Service Van;
Pang-anim, matapos ang ilang dekada, napa-ayos at napa-renovate rin ang Sangguniang Bayan Session Hall at ang buong second floor ng MYDC building na tahanan ng mga kasalukuyan at mga nagdaang konsehal at vice mayor ng bayan. Sabay-sabay po natin itong pinasinayaan noong April 18, 2022.
Pang-pito, nakita rin natin sa termino na ito ang malasakit natin sa ating mga kapwa lingkod bayan. Matapos din ang ilang taon ay nakapagpanday tayo ng mga ordinansa na nagbigay daan sa pagkakaroon ng 35 plantilla positions- apat noong October 2019 habang 31 plantilla positions naman noong November 2021.
Pang-walo, naging makasaysayan din ang 17th council dahil sa kasaysayan, tayo pa lang daw ang unang konseho (correct me if I’m wrong) na nakapagsuspendi ng mga opisyal ng barangay at kasalukuyang may dinidinig pang kasong administratibo laban pa sa ilang opisyal.
Nagdulot man ito ng bahagyang pag-alog ng ating samahan sa loob ng konseho ay sa huli, nagkaisa pa rin po tayo sa layuning ipaglaban kung ano ang matuwid at matinong pamamahala.
Pang-siyam, makasaysayan din po ang ating konseho dahil tayo po ang konseho na nakapagpasa ng pinakamalaking budget ng Mangaldan sa history nito. Php 455,461,766.00 pesos para sa 2022 na ipinasa natin noong Nobyembre 2021.
Pang-sampo, maliban sa pinakamalaking budget, ang 17th Sangguniang Bayan rin po ang nakapagpasa ng ordinansa ng pinakamalaking halaga ng loan na hiniram ng munisipyo sa bangko at iyon ay nagkakahalaga ng 150 Million Pesos para sa pagpapaayos ng ating palengke. Pero ang halaga na pwedeng i-loan ng munisipyo ay 450 Million pesos.
Pinag-uusapan lang din naman ang makasaysayang mga accomplishment, isama na rin natin ang pagpasa ng kauna-unahang Resolusyon na nag-au-authorize sa local chief executive na makipagkasundo sa isang lungsod abroad para maging sister city. Noong September 2019, nakipagkasundo tayo sa City of Hechi, Guangxi sa People’s Republic of China.
Pang-labing isa, nakapagapasa po tayo ng 880 resolusyon at abot 60 ordinansa as of June 19, 2022; ilan pa sa mga hindi makakalimutang ordinansa na ating ipinasa ay:
- Freedom of Information Ordinance;
- Pagpapalawig ng Municipal Scholarship Program kung saan kasama na rin ang kolehiyo;
- Pagpasa ng kauna-unahang Comprehensive Public Order, Safety, and Traffic Management Code sa ating munisipyo;
- Pagkakaroon ng ordinansa na bumuo sa Municipal Environment and Natural Resources Office at sa mga kawani nito,
- Pagtaas ng sahod ng mga job order sa munisipyo;
- Pagbibigay ng financial assistance sa mga magsasaka, TODA, PODA, solo-parents, PWDs, job workers, contract of service, mga barangay council officials and employees,
- Pamimigay ng tig-1 thousand pesos sa lahat ng empleyado ng munisipyo;
- Ang pag-amyenda sa Children’s Code of Mangaldan;
- At pamimigay ng financial assistance to Senior Citizens na nagkakahalaga ng 1.6 Million pesos;
Ilan lamang po yun sa mga ordinansa na ating ipinasa.
Pang-labing dalawa, sa kabila ng ating pagkaka-iba-iba, ipinakita natin sa Sangguniang Bayan ang ating pagkakaisa sa ilang mga isyu. Hindi ko na po iisa-isahin pa, pero alam po ninyo ang mga pinagdaanan natin nang sama-sama at nagpapasalamat po ako sa inyong pang-unawa at hindi pag-iwan.
Pang-labing tatlo, sa unang pagkakataon din po nagkaroon din po ng Secretary-general sa Philippine Councilors League Pangasinan Chapter na mula sa Sangguniang Bayan ng Mangaldan, nagpapasalamat po ako sa inyo mga kapwa ko konsehal sa Mangaldan sa inyong pagsuporta at pagtiwala rin po sa akin. Humihingi po ako ng inyo pong tulong para gawing back-to-back Secretary-general ang inyong lingkod.
Panghuli, hindi ko po makakalimutan ang 17th Sangguniang Bayan ng Mangaldan. Bawat isa po sa inyo ay mayroong malaking ambag sa aking pagkatao at pagiging isang lingkod bayan.
Nagpapasalamat po ako kay Vice Mayor Attorney Jojo Surdilla sa pagiging mentor ko sa larangan ng public service. Bilang immediate supervisor ko, naging supportive po sila sa aking mga advocacies.
Hindi ko rin po makakalimutan ang ating longest-serving councilor in the history of Sangguniang Bayan ng Mangaldan Councilor Baby Abalos for her passion and heart to serve.
Nagpapasalamat din po ako sa serbisyo, pagmamahal, at mga paggabay ni Mangaldan Mayor Marilyn De Guzman- Lambino sa Sangguniang Bayan at sa akin bilang isang lingkod bayan.
Ito na po ang huling session ng ating 17th Sangguniang Bayan ng Mangaldan. Ipinagmamalaki ko po na naging bahagi nito dahil ang 17th Sangguniang Bayan ng Mangaldan ay naging makasaysayan, may malasakit, at may pagkakaisa.
Maraming salamat po sa inyong lahat. Balbaleg ya salamat ed sikayon amin.
Say Dios lawas so wala ed sikatayo.
#
Latest from the Mangaldan News
SK Official Eligibility ng Civil Service, pwede na applyan simula October 4, 2025
Pwede na mag-apply ng SK Official Eligibility sa Civil service simula October 4, 2025
Regular Session ng 18th Council Sangguniang Bayan ng Mangaldan, dinaluhan ni Konsi Aldrin Soriano
Kabaleyang Mangaldeño, dinaluhan po ng inyong lingkod Aldrin Soriano ang isa sa mga nalalabing Regular Session ng 18th Council Sangguniang Bayan ng Mangaldan, noong May 23 sa SB Session Hall. Tinalakay ang nalalabing mga Budget Proposal ng ilang mga barangay. Bahagi ito ng ating sinumpaang pangako na trabaho sa ating mga kabaleyan, na magtatrabaho at…
Miss San Fabian Andrea Cayabyab, kinoronahan bilang Miss Universe PH Pangasinan 2025
Congratulations, ka-distrito Andrea! Ang kauna-unahang kinoronahan bilang Miss Universe Philippines- Pangasinan!




Leave a comment