Magsisimula na ang Voter Registration para sa mga Sangguniang Kabataan (SK) na edad 15 years old, maging sa mga bagong botante edad 18 years old pataas, at para sa mga nais magpa-reactivate ng kanilang status sa COMELEC simula July 4, 2022 araw ng Lunes, ayon sa kay Mangaldan Election Officer Gloria Cadiente.

Sa kanyang talumpati sa ginanap na Post-Election Pledge of Support Signing, sinabi ni Cadiente na magsisimula na silang magrehistro para sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabatan Elections sa Disyembre ngayong taon.

Mangaldan COMELEC Election Officer Gloria Cadiente during the program held at Mangaldan Plaza on June 13, 2022.

Nauna nang ipinahayag ni COMELEC Commissioner George Garcia noong Mayo 2022 ukol sa planong ito ng COMELEC.

Nakatakda kasi ang eleksyon ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan sa December 5, 2022 matapos itong mapostpone noong May 2020 dahil sa batas na ipinasa noong December 2019.

Matatandaang ang huling eleksyon pa ng mga Barangay at SK ay noon pang May 14, 2018. Nakasaad din kasi sa batas na tuwing tatlong taon ang eleksyon ng mga opisyal ng barangay.

Sa ngayon ay mayroon nang nakabinbing batas sa House of Representatives na layong i-postpone muli ang halalan sa May 6, 2024. Ito ay inihain ni Davao Oriental 2nd District Representative Joel Mayo Almario noong October 28, 2021. Ibig sabihin, kung maipasa at maisabatas ang nasabing proposed bill ay uupo sa pwesto ang mga kasalukuyang opisyal ng mga barangay nang anim na taon mula 2018 hanggang 2024.

Suportado naman ni Vice President-elect Sara Duterte ang pagpopostpone sa Barangay at SK Elections ayon sa kaniyang naging pahayag sa radyo noong May 23, 2022.


Latest from the Mangaldan News

2 responses to “Voter Registration para sa mga edad 15 pataas, magsisimula na sa July 4”

  1. Noela Bolivar Avatar
    Noela Bolivar

    Pag correction po ba, ilang days bago makuha ung voters certificate? Thank you po

    Like

  2. Karmina Dela Cruz Avatar
    Karmina Dela Cruz

    Magandang araw po!

    Ako po at ang karamihan po sa aking kasamahan (Aplikante) na natanggap po bilang manggagawa sa ibang bansa lalo na po sa bansang Taiwan ay humihingi po ng na mapansin po oh makarating sa nakatataas ang aming hinanaing ukol po sa problema namin sa VOTER’S CERTIFICATE.

    Kami po ay kina-kailangan na magpalit ng STATUS, CORECTION OF NAME/s, REACTIVATION sa amin pong kanya kanyang munisipyo, ngunit hanggang ngayon po at hindi pa po nag bubukas ang COMELEC sa nasabi ping problema/hinanaing.

    Nananawagan po kami sa nakatataas na sana po ay bigyang pansin o, bigyang prayoridad po kami na magtatrabaho sa nasabing bansa, (Taiwan).

    Ang iba po sa amin ay naabutan na ng pag ka-expired ng medical, ang iba naman po ay hindi na nahintay ng kanilang mga amo at ng kani knilang agency. Napaka sakit po para saamin ang maiwan dahil po sa problema sa VOTER’S CERTIFICATE.

    Ang iba naman po sa amin ay galing sa malalayo pa pong lugar na lumuwas pa po papunta ng Manila para po makapag apply. Karamihan po sa amin ay inutang lamang ang pera na ginamit sa medical pati na din po nag gastos sa pag a-apply.

    Napag-alaman din po namin na pag tapos na makapag pa rehistro ay maghihintay pa po ng 3-buwan para ma i-release po ang aming VOTER’S CERTIFICATE.
    Hinihiling po namin na mga aplikante pa punta ng Taiwan, na sana po ay mas ma pa-bilis ang proseso ng aming pag paparehistro at mapa bilis po ang pag kuwa ng aming VOTER’S CERTIFICATE.

    Isa po sa pinaka mahalagang requiremwnts ng Voter’s certificate na hinihingi ng Taiwan embassy.

    Kami po ay umaasa na matutulungan po ninyo sa aming problema.
    Lubos po naming ipag pasasalamat ang positibong tugon sa mensaheng ito.

    Naway matulungan nyu po kaming maipa abot ito sa TECO embassy ng Taiwan
    Maraming slamat po!

    Like

Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading