Ginunita ang ika-124 taong Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa bayan ng Mangaldan kanina. Pinangunahan ito ni PNP Mangaldan Officer-in-Charge Chief of Police na si Police Lieutenant Colonel Arnold Montesa at ni Mangaldan Bureau of Fire Protection Chief Fire Inspector Virgilio Mamitag III. 

Bilang opisyal ng bayan, dumalo at nakiisa po tayo sa pagdiriwang na ito ng buong bansa. Pag-alaala kasi ito sa kabayanihan ng ating mga ninuno na nakipaglaban para sa ating kasarinlan. Kaya naman bilang pasasalamat, nag-alay ng mga bulaklak ang Lokal na Pamahalaang Bayan at ng Pulisya sa mga monumento ng ilang Pambansang Bayani maging ng mga sundalong nakibaka para sa ating kalayaan.


Latest from the Mangaldan News

Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading