Tumaas ang kabuuang kaso ng suicide o pagpapakamatay sa Lalawigan ng Pangasinan noong 2021 kumpara noong 2020. Ayon sa datos ng Pangasinan Provincial Health Office o PHO at ng Provincial Department of Health Office, tumaas ang kaso ng 40 porsyento kung saan mula 102 kaso noong 2020 ay umakyat ito ng 143 noong 2021. 

Pinakamaraming nag-suicide sa parehong taon ng 2020 at 2021 ay mga lalaki, habang tumaas din ng 60 porsyento ang bilang ng mga babaeng nag-suicide noong 2020 hanggang 2021. Habang edad 20-29 naman ang may pinakamaraming kaso kung saan 39 sa 143 ay nasa ganitong edad, na sinundan ng mga nasa edad 30-39. 

Pinakamaraming naitala ay San Carlos City at Calasiao na parehong may 7 kaso. Sa tala ng PHO at PDOH ng Pangasinan, narito ang mga bayan na nakapagtala ng kaso ng suicide noong 2021: 

San Carlos City 7
Calasiao 7
Binmaley 6
Bani 6
Mangaldan 5
Urdaneta City 5
Agno 5
Mangatarem 5
Sison 5
Bayambang 4
Binalonan 4
Anda 4
Villasis 4
Mabini 4
Labrador 3 

Kaya naman isinagawa ang consultative meeting sa mga LGU na may mga matatas na kaso ng suicide noong Lunes June 6, 2022 sa Conference Hall ng PHO. 

Paliwanang ng Mental Health Program Manager ng Pangasinan Provincial Health Office na si Marvin Perez, mas maraming babae ang nagtatangka ng suicide pero mas marami naman ang lalaking itinutuloy ito. 

KASO NG SUICIDE SA MANGALDAN

Sa Mangaldan, tumaas din ang kaso ng pagpapakamatay ayon sa Medica Officer III ng bayan na si Dr. Racquel Senin Ogoy. 

Noong 2021, 9 na kaso ang naitala ng Mangaldan Municipal Health Office kung saan edad 21 ang pinakabata rito habang 57 naman ang pinakamatanda. Lahat sa mga kaso ay pawang mga lalaki. 

Kung mapapansin na ang naitala ng Provincial PHO at Provincial DOHO ay 5 kaso lang. Tututukan naman daw ng probinsya ang pag-uulat ng mga kaso para maging tugma ang mga ulat. 

Bilang konsehal, ibinahagi ko sa consultative meeting na may magagawa ang bawat sektor ng lipunan at hindi lang gobyerno. Kaya inoorganisa natin kasam si Doctora Racki ang Mangaldan Mental Health Network para makatulong sa pagtugon sa mga inisyatibo para sa mental health. 

Patuloy naman ang panawagan sa mga kababayan na nakakaranas ng problema sa kaisipan o anumang matinding kalungkutan na may mga tutulong sa kanila na mga eksperto. Bukas din ang ating Mangaldan Infirmary para sa ilang mga gamot sa sakit sa mental health at maging konsultasyon. 

Maaari ring tawagan ang National Mental Health Crisis Hotline ng Department of Health. 


Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading