
Kabaleyan, muling nag-uwi ng medalya sa nagdaang Southeast Asian (SEA) Games ang ating kababayan na si Mae Eso Soriano sa Women’s Team Kumite event. Kasama niya sa kupunan sila Jamie Lim, Junna Tsukii, at Remon Misu. Ginanap ang 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam kung saan 227 medalya ang inuwi ng bansa. Rank 4 din sa 11 bansa ang Pilipinas.



Kahapon ay nagkaroon ng Courtesy Call ang mga nagwaging atleta sa Malacanan kung saan personal silang binati ni Pangulong Rodrigo Duterte at pinarangalan ang ilan sa mga atleta ng Orden ng Lapu-Lapu, isa sa mga nakatanggap ay si Mae.

Matatandaang noong SEA Games 2019 ay nakapaguwi na rin ng Bronze Medal si Mae sa -55 kg. Kumite sa Women’s Competition ng Karate-do.
Mangaldan is so proud of you Mae!




Leave a comment