Nasunog ang isang printing shop sa Barangay Poblacion ganap na 6:30 kaninang gabi. Agad naman itong nirespondehan ng mga bombero.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Mangaldan, dahilan ng sunog ang nabasang outlet o saksakan ng kuryente. 

Ayon kay Fire Officer 2 Stanley Carrera, mabilis kumalat ang apoy nang madamay na ang ibang gamit kagaya ng coupon at iba pang papel sa loob ng shop.

Kuha ang larawan ni Ronnie Tandingan

Paalala ng BFP Mangaldan, iwasang mabasa ang mga electrical outlet lalo na ngayong maulan ang panahon. Iwasan din daw itabi ang mga outlet sa mga light material kagaya ng mga papel.

Ayon sa kamag-anak ng may-ari ng printing shop, walang nasaktan sa sunog. Nagpasalamat din ito sa mabilis na responde ng mga bombero. 

Sa ngayon ay inaalam pa ang kabuuang halaga ng danyos sa sunog. Umabot naman sa unang alarma ang sunog.

#

Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading