Balik trabaho na si Konsehal Aldrin Soriano sa physical Regular Session ng Sangguniang Bayan nitong Biyernes January 28, 2022 matapos ang mahigit 10 araw na quarantine. Nagpositibo kasi si Konsi Aldrin sa COVID-19 Rapid Antigen Test noong January 17 pero Linggo pa lang noon January 16 kung kailan siya nakaramdam ng ilang sintomas ay aged din siyang nag-quarantine. 

Kaya naman agad sumalang sa regular session si Konsi Aldrin kasama ang iba pang miyembro ng Sangguniang Bayan matapos siyang makakuha ng Certificate of Completion ng Quarantine mula kay Mangaldan COVID-19 Focal Person Dr. Racquel Ogoy.

Sa kaniyang Opisyal na Pahayag na nakapost sa Official Facebook Page niya, kinuwento ni Konsi Aldrin ang ilang naramdaman kagaya ng pagkakaroon ng spion, hbo, at pananakit ng katawan.

Nagpaalala naman si Konsi Aldrin Soriano sa kaniyang mga kababayan na panatilihin ang minimum health protocol kagaya ng paghuhugas palagi ng kamay, pagsusuot ng face mask, at pagpapanatili ng physical distancing. Hinikayat din niya ang mga kababayan na magpabakuna at magpa-booster shot na rin.

Ipinagdarasal din daw ni Konsi Aldrin Soriano ang mga kababayan niyang kasalukuyang naka-quarantine rin at mayroong COVID-19 na sakit.

Sa ngayon ay patuloy naman ang isasagawang pagseserbisyo sa bayan ni Konsi Aldrin. Matatandaang kahit naka-quarantine pa siya ay patuloy pa rin ang kaniyang pamimigay ng impormasyon sa mga taga Mangaldan, Pangasinan. Nagpatuloy din ang pamimigay niya ng tulong sa ilang mga kababayang may sakit at namatayan.

Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading