Nakapaghain na po tayo ng ating Certificate of Candidacy o COC para sa Halalan 2022. Mag-aapply po akong muli bilang inyong lingkod bayan, bilang isang KONSEHAL sa minamahal nating Bayan ng MANGALDAN sa ating IKATLONG TERMINO.

Nakakapanibago po ang paghahain ng aming Certificate of Candidacy o COC kanina dahil wala akong kamag-anak na kasama, wala akong mga taga-suporta na sasalubong pagkatapos makapaghain, tanging kami lang din sa loob ng lugar ng filing ang naroon pati na rin ibang empleyado ng munisipyo.

Bagamat nagbago man ang sitwasyon ng ating daigdig dahil sa new normal dulot ng COVID-19 pandemic, pinatigil man nito ang iba-ibang aktibidad sa lipunan, hinding-hindi po nabago at hinding-hindi pinatigil ng pandemya ang aking PUSO para MAGLINGKOD NANG TAPAT, MATINO, at MAHUSAY sa ating mga kababayan dito sa Mangaldan.

Kaya muli ko pong inihahain ang aking aplikasyon sa inyo, sa ikatlong pagkakataon, na makapagsilbing muli sa inyo bilang inyong konsehal. Ipagpapatuloy po natin ang paghahatid ng SERBISYO, IMPORMASYON, at MALASAKIT sa ating mga kabaleyan.

Mag-iingat po tayong mabuti, kabaleyan dahil mayroon pa rin pong kalabang hindi natin nakikita ito ay ang COVID-19. Say Dios lawas so wala ed sikatayo.

#SamaSamaTayo#WalangIwanan#AliguasMANGALDAN#KonsiALDRIN#LambinoSurdilla2022#LambinoSurdillaTeam#LakasCMD#Mangaldan#Halalan2022

Leave a comment

Trending

Discover more from Aldrin Soriano

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading