Nasunog ang walong bahay sa Barangay Bari, Mangaldan noong Sabado October 2, 2021. Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Mangaldan, nagsimula ang sunog mula sa nakalimutang gasera. Nagtagal ang sunog ng abot tatlong oras na nagsimula ng 2:30 ng hapon at idineklara naman ang fire out ng 4:55 P.M.
Agad namang nagbigay ng tulong sa mga biktima ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mangaldan sa pamumuno ni Mayor Marilyn Lambino.


Kinumusta ko kanina ang ating mga kababayan na biktima ng sunog. Kita ko pa rin sa kanilang mga mata ang lungkot dahil matupok ng apoy ang kanilang mga gamit. Kwento pa ng ilan nating kababayan na biktima ng sunog, walang natira sa kanilang mga gamit at tanging mga suot na damit lang ang kanilang nailigtas.





Kaya naman nag-abot din ako ng kaunting tulong na magagamit ng ating mga kababayan kagaya ng mga pagkain na grocery na laman-tiyan, ilang sanitation kits at personal na gamit.
Sa ngayon ay pansamantala munang nakikituloy sa ilan nilang mga kapitbahay at kaanak ang mga biktima ng sunog. Bukas naman ang ating mga kababayang biktima ng sunog sa ano mang tulong para sa kanila.




Leave a comment