Simula ngayong araw September 29, 2021 ay balik General Community Quarantine with heightened restrictions ang quarantine status ng Bayan ng Mangaldan matapos itong isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine status sa loob ng 13 araw.
Matatandaang isinailalim ang Mangaldan sa MECQ para makontrol ang patuloy na pagtaas ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bayan, ayon sa Executive Order No. 2021-L-044, Series of 2021.
Mayroon nang naitatalang 1,245 kaso ng COVID-19 sa Mangaldan ayon sa pinakahuling post ng Public Information Office Mangaldan as of September 28, 2021 3:00 PM, kung saan 117 kaso dito ay aktibo, 1028 naman ang naka-recover, at 101 naman ang namatay.

Alinsunod ito sa Provincial Executive Order No. 102-2021 ni Pangasinan Governor Amado “Pogi” Espino, Jr. na nagsasailailim sa probinsya sa General Community Quarantine with Heightened Restrictions na status simula September 8 hanggang September 30 ngayong taon.
Inilabas ni Pangasinan Governor Amado Espino, III ang kaniyang Executive Order No. 0102-2021 o ang mga guideline sa pagpapatupad ng GCQ with heightened restrictions sa ating lalawigan noong September 7, 2021. Mababasa ang kopya ng nasabing EO sa link na ito: https://bit.ly/3h87iju pwede rin pong basahin ang digital copy ng nasabing EO sa link na ito: https://bit.ly/3tlRoqI
Para po mas maipaunawa po ang nasabing kautusan o EO ni Governor Pogi Espino, akin pong ibinabahagi ang Question-and-Answer format na akin ding isinalin sa wikang Filipino para mas madaling maunawaan ng ating mga kababayan. Ito po ay base sa dami ng ating mga natanggap na katanungan mula sa ating mga kababayan at kalapit bayan ukol sa EO ni Gov.
Muli, ang akin pong inihandang Q&A format ay mula po sa EO No. 0102-2021.
Mangaldan photo screen captured from Google Maps.


































Leave a comment