Itinalaga ng Department of Education Division of Pangasinan II si Mr. Joel Cervas bilang bagong punongguro ng Embarcadero Elementary School nitong Lunes, September 27. Nasa turn-over ceremonies ang dalawang Public Schools District Supervisor ng Mangaldan I na si Dr. Arabella Soniega at Mangaldan II na si Dr. Minerva Serafica.
Bago mailipat sa Embarcadero Elementary School ay nagsilbing principal si Cervas sa Bari Elementary School. Susundan ni Cervas bilang punongguro ng Embarcadero si Dr. Gemma Naraja na nakatakdang mailipat din sa ibang paaralan sa susunod na linggo.
Dumalo rin sa programa ang ilang guro ng Bari Elementary School, Embarcadero Elementary School, at ilang punongguro ng Mangaldan I at Mangaldan II districts.
Photos courtesy of Madam Rosalinda Fabia and Sir Joel Cervas.
Ilan sa mga accomplishment ni Sir Joel Cervas bilang principal sa Bari Elementary School ay ang pagiging consistent First Placer sa Brigada Eskwela ng Mangaldan District I mula 2018, 2019, at 2020. Noong 2019, nanalo ring Best DRRM sa buong DepEd Pangasinan II Division ang nasabing paaralan. Wagi rin sa Gulayan sa Paaralan ang paaralan noong 2nd placer noong 2018 at 1st placer naman noong 2019 at 2020.









Leave a comment