Nanumpa na ang mga opisyal ng Rabbit Breeders Association of Mangaldan na pinangunahan ng kanilang pangulo at founder na si Ronnie Tacaca sa munisipyo noong Biyernes, August 6.
Kinatawanan ni Vice Mayor Jojo Surdilla si Mayor Marilyn De Guzman-Lambino sa panunumpa sa mga opisyal.
Kasama naman po tayo sa mga nakasaksi sa kanilang panunumpa. Nandoon din ang Hepe ng Mangaldan Police Station na si PLtCol. Vicente Castor, Jr. at Municipal Agriculturist Merle Sali.
Layon ng bagong grupo na mas mapaunlad pa ang pagbi-breed sa mga kuneho. Nakitang alternatibong karne at pangkabuhayan kasi ang pagbibreed at pagbebenta ng kuneho mula nang maapektuhan ng sakit ang ilang nag-aalaga ng baboy. Isa kasi ang ating bayan sa mga naapektuhan noong nakaraang taon ng ASF na sakit ng mga baboy.
Bukod sa maamo at madaling alagaan, hindi rin daw ganoon kamahal ang pag-aalaga at magmi-maintain ng kuneho. Mayaman din ang karne nito protein.
Sinusuportahan po natin ang mabubuting adhikain ng kanilang samahan para sa ikauunlad ng ating mga kababayan.
Narito naman ang listahan ng mga opisyal ng nasabing samahan:
President: Ronnie Tacaca
Vice- President: Patrick Ian Quinto
Secretary: Jovil Velasquez
Treasurer: Jerome De Guzman
Auditors:
- Cee Jay Sarmiento
- Frank Soriano
Business Managers:
- Marc Ferdie Quinto
- Richard Jhumar Capito
- Michael Abraham Revill
PIO : Justine Ian Dela Cruz






Leave a comment