Ibinahagi ng bagong hepe na si Police Lieutenant Colonel Vicente Castor, Jr. ng Mangaldan Police Station ang kanyang mga pangunahing programa sa pagpapatupad ng peace and order dito sa bayan ng Mangaldan.

Sa kanyang courtesy call sa Sangguniang Bayan ng Mangaldan noong Biyernes, sinabi ni Castor na maliban sa pagpapatupad ng mga national program ng Philippine National Police kagaya ng pagpugsa sa iligal na droga at mga iligal na sugal, ay layon din nitong magkaroon ng direktang ugnayan ang pulis sa mga barangay.
“Magiging priority ko po na ibaba ‘yong pulis sa barangay, yung tinatawag na Pulis sa barangay. Although ito po ay isa ng programa, I will be assigning one policeman in every barangay to ensure that there will be focal person or contact person directly to the barangay captain who will assess, who will ask the barangay captain, the barangay officials kung ano po ang problema po sa barangay,” ayon kay Castor.
‘Prevention is better than cure’
Ayon kay Castor, sa 10 taon niyang nagsilbi sa Aviation Security Group ay natutunan umano niyang prevention is better than cure. Mas magandang bago pa man daw magkaroon ng problema sa barangay ay mayroon ng pulis doon nang maiwasan na ito. “… hindi po pupunta lang ang pulis dahil may gulo. Dapat wala pa lang gulo, andoon na ang pulis,” sabi ni Castor.
“There will be one designated policeman in every barangay- whether naka uniporme o hindi nakauniporme na regular nakikipag-usap sa kapitan at sa mga barangay officials. So that hindi po kagaya ng old system natin na si police pupunta doon sa abrangay dahil may problema, ngayo nay pupunta para alamin ano maitutulong para mabawasan ang problema sa isang barangay po. He or she will be the contact or focal person sa mga kapulisan,” dagdag pa ni Castor.
Capacity to disseminate PNP officers in 30 barangay

Tinanong ko rin ang bagong hepe kung may kapasidad ba ang bilang ng mga pulis sa bayan na maikalat pa sa iba-ibang barangay lalo na at may mga naka-assign o nakadestino sa mga strategic area sa bayan partikular na sa mga papasok na barangay sa bayan.
Sagot ng hepe, ipapa-priority niya ang mga taga-Mangaldan na ma-assign sa kani-kanilang barangay. “To make it possible sir, the number one criteria that i have raised to my admin officer, to identify all policemen who are residing in mangaldan. If he is from Anolid, and he has a good rapport to the brgy captain, he will be designated police sa barangay for Barangay Anolid. For now, I already signed the office order designating the 30 policemen. Althoughg not all from managldan, i told my admin officer that in case hindi na mag-compliment yung 30 branagay na taga mangaldan, ilagay mo yung pinakamalapit either from san Jacinto, Dagupan, Sta. Barbara, or sa Manaoag,” sagot ni Castor.
Pormal na umupo bilang acting chief of police si Castor noong Lunes sa turn-over ceremonies na pinangunahan ni Mangaldan Mayor Marilyn De Guzman-Lambino. Papalitan ni Castor ang kanyang kaklase na si Police Lieutenant Colonel Jun Wacnag na madedestino muna sa Pangasinan Police Provincial Office sa Lingayen.
Bago malipat sa Mangaldan ay nagsilbing hepe ng Urdaneta City Police Station si Castor na nanilbihan ng abot dalawang taon.
PANOORIN: Facebook Live video sa talumpati ni Castor sa harap ng Sangguniang Bayan ng Mangaldan.
Photo used as featured image from Pangppo Pcr Mangaldan PS Facebook page. Used here for non-commercial purposes.
Manatiling updated sa mga balita at kaganapan sa ating minamahal na bayan ng Mangaldan, mag-subscribe na para automatic makatanggap ng mga balita sa inyong email!




Leave a comment